5: 3rd day of Intramurals

66 4 0
                                    

[Claire's]

Pagpasok ko dumeretso agad ako sa Old gym para manuod ng badminton. Hehe.

May laro sina Yumi kaya kaylangan ng support! Pero pag dating ko iba pala ang naglalaro.

Sina Harold ang naglalaro!

Omg.

"Hoy, kanina pa kita tinatawag!" Jana

"Ay, sorry. Hindi kita narinig, ang ingay kasi eh"

"Palusot dot com, unggoy! Eh nung tinatawag nga kita nakatingin ka kay-" tinakpan ko ang bibig niya para hindi matuloy ang sasabihin niya.

"Shh!"

Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya, "Oo na, hindi na ako maingay!" Jana.

Pumunta na kami sa pwesto nina Yumi at naupo. Doon namin pinanuod ang laro nina Harold. Hehehehehehe!

"Ang lupet niya oh, Claire. Ang bilis kumilos" Jana

"Kaya nga eh, halatang marami na siyang alam pag dating sa badminton" sabi ko

"Nako, nainlove ka na naman sa kanya!" Cristine

"Pwede ba, manuod nalang tayo!" sabi ko ng nakangiti. Eh enebe!

Ang galing niya. Ang bilis niyang kumilos tsaka ang lakas niyang pumalo. Hindi ko na nga makita 'yung shuttlecock eh.

Go, Harold!

"Yumi, tara lalaban na tayo" sabi ni Mich. Kaklase rin namin at kasali siya sa laban. Pang double's siya.

--

Nagsimula na nga ang laban nina Yumi at Mich. Tapos may laban din sa kabila, boys nga lang. Tapos na sina Harold maglaro, pero CHM parin ang naka toka sa laro.

"Woah, CHM boys and girls badminton ang ganap ngayon, ah!" Jana

"Hindi ko alam kung saan ako titingin, hahaha!" sabi ko

"Sus, malamang kay Harold lang 'yang mata mo!" Cristine

"Hala! Hahaha!" sabi ko. Etong mga 'to!

--

Habang naglalaro, napatingin ako kay Harold. Nasa kabila siya, bali kami ang nag chi-cheer sa mga girls. Sila naman sa boys.

Ayun nga, masaya siyang nag chi-cheer sa kabila gamit ang plastic bottles na mayroong malilit na bato, 'yan ang ginagamit namin kapag nag chi-cheer kami.

Nung nakapuntos ang pambato ng CHM, nagwala siya. 'Yung tipong binagsak niya 'yung boteng hawak niya tsaka sumigaw!

"Hala, nagwawala na 'yung forever mo, Claire"

"Hahaha! Ang cute" sabi ko ng mahina. Pero dahil sa malakas ang pandinig nitong mga kasama ko...

"Yah, hahaha!"

"Ikaw ah, narinig ko 'yun!"

"Cute daw, oh!"

"Hahahah!"

Mga unggoy kayo! Hahahahaha!

Pero talaga, ang cute niya talaga nu'ng ginawa niya 'yun. Hahaha!

I Crush YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon