2: Friends Instinct

115 6 0
                                    

[Claire's]


"Umm.."


Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumama sa mata ko. Anong oras na ba?


Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. 7:32 am.


Tumayo ako sa higaan ko. Kinuha ang phone at salamin at bumaba na.


"Ate, ate" sabi ng pinsan kong maliit na si Aira. Tumakbo ako sa kanya at pinisil ang pisngi niya.


"Morning, bungal!" sabay alis papuntang kusina.


Syempre, daily routine. Inom ng milo, nuod ng Eat Bulaga, kain, ligo, akyat sa taas. Ganyan ang ginagawa ko kapag walang pasok. Paulit-ulit lang, pero hindi ako nagsasawa, hehehe.


At ayun nga, pagkatapos ng kain at ligo, akyat sa taas, pupunta sa kwarto ko para mahiga at magbasa sa wattpad. Pero ngayon, bubuksan ko ang laptop ko at mag fe-facebook. Walang wifi kaya sa laptop ako mag o-online, haha!


Pagka log-in ko bumungad sa'kin ang tatlong messages.


"MDHeaven_Bul, The Last Virgins, BSHRM2" banggit ko sa tatlong group chat.


'Yung MDHeaven_Bul is MaiDen Heaven Official Bulacan Chapter. Sinali ako nina Erika at Jana sa GC (Group Chat) na 'yun para masama ako sa mga gagawin nila. Halimbawa, pag punta sa broadway, meetings, etc.


The Last Virgins, eto naman 'yung GC naming magkakaibigan. Ewan ko ba kung bakit naging ganyan 'yung Group Name! Haha. Dati kasi, Halims ang pangalan ng group, tapos naging Batang Hamog tapos iyan nga, the last virgins. pfft.


Syempre, ang BSHRM2 GC. Kami-kaming mga mag kakaklase ang mga nag uusap-usap doon.


Dahil tinamad ako mag back read, pumunta ako sa profile ko. Napatingin ako sa search box.


"Ma-add ka nga" sabi ko sa sarili ko. Itinype ko ang pangalan niya sa search box. Harold Bautista.


Search!


Scroll, scroll. Huh? Bakit wala?!


Tama naman eh! Bakit wala—! Wait, mai-search nga sa friends ni Kuya Renz.


Scroll, scroll, scroll.


"Ayun!" malakas na sigaw ko.


Nakalimutan kong may isa pa pala siyang pangalan. Ian Bautista. 'Yan ang name niya sa Facebook. Ihh, ang gwapo niya!


Binuksan ko ang profile niya. Tinignan ko ang wall niya. Puro tags lang. Aiyo, gusto kong makita ang iba niyang pictures at posts!

I Crush YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon