12: Enrichment Activity

53 3 0
                                    

[Claire's]

Monday,

Dapat wala na kaming pasok ngayon eh! Ang kaso nagkaroon kami ng enrichment activity sa housekeeping class namin. Tsk.

"Imbis na nakahiga pa ako at nana-naginip, nandito ako at naghihintay"

"Ay, anong ka-dramahan 'yan sa buhay?" napatingin ako kay Jana

"Eh pa'no nakakainis! Dapat talaga wala na tayong pasok, eh!"

"Kahit naman ako naiinis din eh. Pero wala eh, si Dean na mismo nag sabi na umattend tayong lahat"

"Ashuu!" Kinuha ko ang phone ko at naglaro nalang.

Maya-maya dumating na ang teacher namin.

"Wow. 8 daw ang simula, pero look, 10 na oh! Tsk!" sabi ni Jana

"Napakahusay! Bigyan natin ng tatlong bagsak!" sabi ko at pumalakpak kami nina Jana at Cristine ng tatlong beses.

*clap clap clap!*

Napatingin ang iba naming kaklase sa amin.

"Bakit kayo pumalakpak?" Tanong ni Selle

"Wala lang, trip lang namin" Cristine

Pfft! Natawa naman daw ako sa kalokohang ginawa namin. Haha!

--

Basement,

"Tig sa-sampu lang ang pasok. Tapos by partner. Oorasan namin kayo hanggang 5 minuto. Pagkatapos nu'n, lilipat na kayo sa ibang gawain hanggang sa matapos niyo lahat ng lilinisin. Naiintindihan niyo ba?"

"Yes ma'am"

"Sige, tumayo na yung unang 10. By surname yan, ah!"

At nagsitayuan na ang sampu konh kaklase. Dahil M pa naman ang simula ng apelyido ko, mga set 2 pa ako. At eto na naman ulit kami, tatanga sa labas habang hinihintay matapos ang sampu kong kaklase na nasa loob.

"Enebe nemen yen~"

--

After namin matapos lahat, pinauwi na rin kami sa wakas!

"Grabe, sumakit likod ko dun ah!" Reklamo ko.

"Alam mo kanina ka pa reklamo ng reklamo sa buhay. Yung totoo? Pasan mo ba ang mundo?!" Jana

"Sorry naman! Haha!" Sabi ko at tinawanan nalang sila.

Pag akyat namin,

"Claire! Si ano oh!" Napatingin ako sa tinuro ni Jana!

Napahinto ako. Nanlaki ang mata ko. Shocks! Si Harold!

Nakapang bar tending uniform siya! At ang gwapo niya!

Nagulantang ang buong lamang loob ko ng bigla siyang napalingon sa gawi namin habang tumatawa siya.

O////O

A-ang gwapo niya…

Yung ngiti niya…

PAMATAY! SHET!❤

"Hoy! Ano ba! Huwag ngang humarang dyan, oh!" nawala ang paningin ko sa kanya at nabaling sa mga punyeta kong kaklase ang atensyon ko!

Padabog akong umalis sa hagdan!

"Mga punyatera! Panira ng moment! Argh!" bulong ko.

"Hahaha! Makalaglag panty ba ang kagwapuhan?" Cristine

"Shet! Oo! Ang gwapo niya! Iiih!"

"Hahaha! Hindi ka ba nahiya nung nakita ka niya?" Cristine

"Huh? Bakit naman?"

"Naka pang housekeeping uniform ka, samantalang siya naka pang bartending! Sosyal at maayos!" Jana

"So anong gusto niyong palabasin? Na isa akong gusgusin na bata na hindi siya pwedeng maabot dahil sa sobrang taas na tinatamasa niya?!"

"Tumpak!" Cristine

"Plangak!" Jana

"Gago!"

"Hoy! Kaylan ka pa natutong mag mura?! Ha?!" Jana

"Ewan ko sa inyo mga unggoy!" Tumakbo na ako at iniwan sila

"Hoy Claire! Teka lang!" Jana

--

Oo, alam kong nasa itaas siya at ako? Di hamak na nasa baba at tinatapak tapakan lang. Pero hindi naman ako tanga para hindi bumangon, no! Gusto kong mapansin niya ako balang araw.

Gusto kong malaman niya na ang isang katulad ko na nag ngangalang 'CLAIRE' ay nag eexist pala sa mundong ibabaw.

I Crush YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon