1: Flasback's

365 5 0
                                    

"Crush ko na ata siya" sambit ni Claire sa kanyang sarili.


Siya si Claire Hann Mendoza. Second year college, nag aaral sa University of Consolacion sa kursong BSHRM. Simpleng tao, masungit kung titignan ngunit mabait kung magiging close kayo. May pagka madaldal kung kasama ang barkada, tahimik kapag iba ang kasama.


Isa lang talaga ang masasabi mo sa kanya. Simpleng tao. Hindi siya katulad ng mga babaeng nag susuot ng maikling short, sleveless, at iba pang damit na sinusuot ng mga babaeng pa-sexy. Simple lang ang pormahan niya, Tshirt, pants at converse shoes. Minsan rin siyang mag doll shoes.


Balik tayo sa kanyang ginagawa. Nakahiga siya sa kulay pink niyang kwarto habang nakatingin sa kisame.


"Waah! Crush ko na ata talaga siya!" sabi niya at isinubsob ang mukha sa unan


Sabado nang gabi. Iyan ang kanyang iniisip.


'Crush ko na ba siya?'


Flashback...

Edukcircle nila ngayon at ito ay gaganapin sa AU Theater. Hindi naman required ang mga second year na sumama sila sa Edukcircle, ngunit dahil nga sa habol nila ang mga artistang aawardan doon, sumama na sila.


Apat silang magbabarkada, Si Selle, siya, Jana, at si Jade. Mayroon din silang kasamang kaklaseng lalaki na si Zom.


"Dalian mo, galit na si Ma'am Rose! Late ka na!" pabirong saad ni Claire kay Jana na naglalakad papunta sa pwesto nila


"Hahahaha! Sorry na!" sabi ni Jana ng nakalapit siya.


"Ang lakas ng loob mong sabihan kami na late na kami, tapos ikaw pala 'tong naglalakad palang galing gate2?! Wow ah" pabiro banat ni Claire.


"Hahahaha! Akala ko nasa mcdo pa rin kayo, eh"


Bago pumunta sa eskwelahan, dumiretso muna sina Claire at Selle sa mcdo upang mag agahan. alas sais palang kaylangan na sa eskwelahan na, ngunit etong si Jana sinabing hintayin siya kaya't naghintay ang dalawa.


"Nag papahintay ka pa 'dun, hindi ka naman pala sasabay. Taeng 'to" banat ni Claire. Sorry for the term, pero imbis na magmura, 'tae' ang salitang nasasabi niya.


"Hahahaha! Sorry na nga!"


"By the way, ang tagal namang umalis. Mag se-seven na, uy!" Claire


"Sabi ko sa'yo di matutuloy 'yang 6:30 na oras na 'yan eh. Mga pauso lang sila" Jana


"Asan nga pala si Jade?" tanong ni Jana


"Ayun, kasama ang poreber niya" sabay turo ni Claire kay Jade na kasalukayang kasama ang poreber niyang si Andrei


I Crush YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon