15: Second talk

48 3 0
                                    

[Claire's]

Monday,

On the way na ko papunta sa school.

Grabe! Hanggang ngayon hindi pa rin madigest ng utak ko na nakachat ko na siya.

Ang swerte swerte ko!!

Akala ko talaga hinding hindi niya ko mapapansin kahit na anong gawin ko!

Pero takte! Laking pasasalamat ko talaga sa BSTM2! Dahil kung hindi sa kanila, hindi ako icha-chat ni Harold!

Masayawan nga sila mamaya ng 'Thank you very much' ng BESTie. Hehehe.

"Claire!"

Una, ang gusto ko lang naman eh maka chat ko siya kahit mga sampung minuto lang. Pero hindi ko akalain na tatagal ang pag uusap namin ng dalawang oras!

"Swerte mo talaga Claire! Hoo!" okay, kinakausap ko na naman ang sarili ko. Hehe

"Claire!"

Claire, Claire. Siguro swerte sakin tong pangalan ko. Hahahaha. Char.

"Claire!" oo nga, Claire. Claire? May tumatawag ba sakin?

"Huy!"

"Ay, Claire!"

Agad akong napalingon sa kumalabit sakin.

"Kanina pa kita tinatawag. Nabaliw ka na naman. Haha"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Gov!"

"Kukunin ko lang yung folder na pinaglalagyan mo ng mga CHM' Papers. May ipapakita lang ako kay Dean"

"Si-sige" binuklat ko ang bag ko at kinuha ang clear folder, "Eto oh" at binigay sa kanya.

"Salamat! Bukas ko na ibabalik" sabi niya ay umalis

"Oh."

Akala ko siya na…

--

"Hoy! Ba't hindi mo ko nirereplyan?" napatingin ako kay Jana.

"Wala akong load"

"Unggoy! Hindi sa text kundi sa chat!"

"Huwag kang sumigaw!"

"Hahahaha. Bakit nga?"

Naalala ko na naman yung time na nakachat ko siya.

Ihhhh. Keleg eke.

"Hoy!"

"Po?"

"Anong po? Yung totoo, nakita mo ba si Harold?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "A-ano?!"

"Nakita mo no?!"

"Hindi pa ah"

"Ay? Sayang"

Oo nga. Bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita? Malapit na mag uwian oh.

Haysss.

Baka iniiwasan niya ko?

Pero bakit?! Hindi pa nga ako umaamin eh. Hihihihihi.

--

"Sige mauna na kayo. Mag si-CR lang ako" paalam ko sa kanila

"Sige. Bye! Ingat sa pag uwi"

"Ingat din!" paalam ko sabay punta sa comfort room.

Bawal magpigil at baka magka UTI pa ko. Hahahaha! Lol.

After kong magCR, nagsalamin muna ako bago gumora.

Paglabas ko, laking gulat ko nang makita ko siya na nag aabang sa labas ng CR.

"Hi!"

"Ay, hello po" bati ko kay ate Janitress.

"Uuwi ka na?"

"Opo. Hehe"

"Sige, ingat ka sa pag uwi"

"Sige po! Hehe" tumakbo na ko paalis pero…

"Aw!"

May nakabangga ako.

Seriously?! Ang dami kong nakakabangga ngayon! Yung unang dalawa, hindi literal. Pero ngayon literal na literal.

"Ayos ka lang?"

"Oo—" shet.

Shet shet shet!

"Oh? Ikaw pala yan, Claire"

What.the.pak?!

Totoo ba to?! Hindi ba ko nananaginip?!

"H-Harold"

--

"Uwian niyo na ba?" tanong niya sakin habang nakaupo kami dito sa lounge katabi ng gym.

Hindi ako makapaniwala na kausap ko siya. Na kasama ko siya. Na nakikita ko siya. At katabi ko siya!!!!

Thank you Lord!

"Ahm, oo eh" sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Nakatingin lang ako nang deretso.

Neheheye eke!!!

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" eh bakit mo natanong? Ihahatid mo ba ko? Hihi.

"Pauwi na sana. Kaso n-nabangga nga kita kaya ayun. Hehe" pero okay lang as long as kasama kita. Hart hart.

"Eh? So gusto mo na bang umuwi?" tara! Uwi na tayo sa bahay natin. Hihi

"Ahm. Mamaya na siguro. Kausap pa kita eh" kung pwede lang na hanggang gabi eh kasama kita. Why not?!

"Hindi ba ako nakakaabala?"

"Huh? Hindi naman. Hehe" kahit nga habambuhay tayong magkasama, okay lang sakin bibeh.

Bibeh? Ayiee❤

"Ayos. Haha. Nga pala, anong year ka na?"

"Second year"

"Ah. Ako naman third year" alam ko. Stalker mo ko eh. Hihi.

Sana hindi na matapos 'tong araw na to! Shete! Otso! Nwebe!❤

Another Lucky Day! Thank you Lord!

I Crush YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon