7: Last day of Intramurals

51 5 0
                                    

[Claire's]

Last day, awarding ceremony na.

Umupo kami sa bleachers kasama ang taga department namin.

"Dapat pala hindi nalang ako pumasok" sabi ni Jana

"Oo nga. Ang boring eh" Cristine

"Sus, hindi pa nga nagsisimula, na bo-bored na kayo?" sabi ko.

"Gusto mo lang makita forever mo, eh" Jana

"Oo nga. Siya lang ang hindi na bo-bored dahil makikita niya ang forever niya" Cristine

Maka-forever naman 'tong mga 'to! Hindi pa nga kami, eh! Pfft. Hahahaha!

"Forever kayo dyan! Walang forever mga dude! Haha!" Sabi ko at tumingin sa stage.

Hm… nasan na kaya yun?

"Walang forever pero hinahanap niya! Ayiee!" Jana

Nilingon ko silang dalawa, "Ang ingay niyo!"

Tinawanan lang ako nung dalawa! Bwisit! Katabi lang namin yung mga kaklase niya, baka mamaya bigla nilang sabihin yung pangalan ni Harold, eh! Nakakahiya! Lol!

Pero nasa'n na kaya siya? Alam ko aawardan siya kasi nanalo sila sa Badminton Boys.

"Hinahanap talaga eh! Haha!" Jana.

"Shh!" sa pag 'shh' ko, napatingin ako sa bandang unahan namin.

Wow. Ang ganda ng view. Haha!

Bautista.

Sarap titigan habang buhay!

Yung jersey niya kasi suot ng kaklase niya. Saktong nakatalikod pa siya. Hehe. Ang ganda talaga ng view! Hihi

"Tinitignan mo dyan?" Cristine sabay tingin sa tinitignan ko. Mukhang hindi niya naman nakita kaya tinignan niya ulit ako.

"Anong meron?"

"Wala. Nagagandahan lang ako sa view. Hehe" sabi ko at tumingin sa stage.

Ang sarap arborin ng jersey niya! Hehe

"Jana, ipatingin na natin sa doktor 'tong kaibigan natin" Cristine

"Bakit? Haha" Jana

"Baliw na. Nangingiti mag isa!"

"Baliw ka'mo kay Harold!"

Ngumiti ako, "Sige, lakas niyo pa"

"Si Har—ry! Haha!"

Konyatan ko 'tong dalawang 'to eh!

--

"2nd Place! Harold Bautista"

Pagbanggit sa pangalan niya, pumalakpak ang mga kaibigan niya.

"Second place lang pala siya?" Jana

"Hindi na masama" sabi ko at hinanap siya. Nasa'n ba siya?

"Hindi ka man lang ba papalakpak?" Cristine habang pumapalakpak.

Hinanda ko ang dalawang kamay ko.

"Woah! Mukhang malakas to ah!" Jana

Unti-unti kong pinag dikit ang aking mga palad. At pumalakpak ng mahinhin, "Congrats. Hihi" pabulong kong sabi.

At dahil sa ginawa ko, nabatukan ako ng wala sa oras, "Aray!"

"Akala ko pa naman malakas!" Cristine

"Huwag kasing umasa! Masasaktan ka lang!" sabi ko sa kanila.

"Wow! Hindi ba dapat sabihin mo 'yan sa sarili mo ngayon?" Jana

"Bla bla bla. Wala akong naririnig!" tinakpan ko ang dalawa kong tenga. Napatingin ako sa kaliwa ka at…

Bull's eye! Nakita rin kita!

At wow naman po. Bagong gupit si Mister! Eng gwepe hehe. Isama mo pa 'yung liwanag na tumatama sa mukha niya.

Mala prince charming ang datingin! So hawt! Hihi.

"Hoy Claire! Nakikinig ka ba!" Jana

"Opo! Haha!" ibinalik ko ang tingin ko sa stage at nangalum baba.

I sighed. Kaylan mo kaya ako mapapansin?

I Crush YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon