10: Missing him

58 4 0
                                    

[Claire's]

Sunday, walang pasok kaya boring~

Ang weird ko di'ba? Dati gustong gusto kong walang pasok para matulog magdamag! Pero ngayon baliktad na.

Iba na talaga kapag may gusto kang makita sa school! Sisipagin kang pumasok! Haha

Nag online ako sa phone para mang istalk.

Sino ba pwede kong iistalk? Haha.

Syempre, si Harold ng buhay ko. Hoho. Lol, landi ni Claire. Haha

Sinearch ko ang pangalan niya sa search box at nagulat ako sa history. Dahil nandun na pala siya! Omo! Don't tell me lagi ko siyang iniistalk? Waah! Hihihi.

"Ay, offline!" nakakainis! Hindi ko siya matyempuhang online! Tapos hindi niya pa ko ina-accept! Kainis! Buti pa si Ma'am Rose friend niya na. Huhuhu

Huwag niyang sabihin na natabunan ang friend request ko sa kanya? Hm. Madami kayang nag aadd sa kanya?

Ang ganda naman kasi ng profile mo. I mean, ang gwapo. Hihi. Naka school uniform at halatang nasa library. 'Yan lang pala ang ginagawa mo sa library ah. Nag seselfie! Hahaha!

Kinlick ko ang DP niya at tinignan ang mga comments.

Sabi nung isa, "Ang laki mo na Harold, ah. Gumagwapo ka!"

Tas nag reply siya dun sa comment, "Hehe, salamat po tita. Ingat po kayo dyan, God Bless you"

Napaka galang na bata! Hihi.

"I-accept mo na ang FR ko sayo, oh. Mag cocomment din ako sa DP mo! Haha"

At dahil mukha na kong baliw sa pinag gagagawa ko. Nag log out na ko.

"Ang boring talaga!" Napatingin ako sa phone ko. Naka log out na ang FB ko, "Ay tanga! Ba't ko ni-log out! Tsk!" humiga ako.

Sinimulan ko na ang pagta-type ng email ko nang may nahagip ng mata ko. Create Account.

Naalala ko yung binabasa ko sa Wattpad facebook group. Yung about kay Siopao at Charles. Gumawa ng dummy account si "Siopao" kuno para makipag chat kay Charles.

Ita-try kong gawin yun. Nagbabaka sakaling maka chat ko siya. Hehe.

Dahil magilig ako kay Baymax, ang pangalan ko sa ginawa kong FB ay "Baemax WP". Nag add muna ako ng iba pang dummy users para naman di halatang bagong gawa talaga. Haha.

Pwera nalang kung mang iistalk siya at makita niya na wala pa kong posts! Omo! Iistalk niya ko?! Waah. Nakaka flattered. Hihi.

Nagulat ako dahil naabutan ko siyang online!! At mas lalo akong nagulat dahil etong dummy account ko, wala pang limang minuto… in-accept niya na agad!!

Napa bangon ako, "How dare you do this to me, Harold!" sabi ko sabay turo sa phone ko, "This is so unfair! Huhu"

Humiga ulit ako. Humanda ka sakin, Harold. Sisiguraduhin kong maiinlove ka sa gagawin ni Baemax WP! Mwahahahaha!

Minessage ko na siya,

Baemax WP: Hi :)

Sent 1:20PM

Aba't! Ang tagal naman nito mag reply!

Baemax WP: Hi Harold ng buhay ko. Hoho

Sent 1:32PM

Online naman siya pero bakit hindi siya nag rereply!! Argh.

Baemax WP: Huy! 'Wag mo naman ako i-inbox zoned! Masaquette pare! </3

Seen 1:43PM

Omo! Si-neen niya!!

Ian Bautista: Who you?

Seen 1:44PM

Grabe siyaaa! Hindi niya 'ko kilala?!

Baemax WP: Hindi mo ko kilala?! Hindi mo kilala si Baymax?! How dare you! Huhu. Hindi mo ba napanuod ang Big hero 6?!

Seen 1:50PM

Grabe siya mang seen, ah! Ang tagal!

...

Ang tagal naman nito mag type! Hehe

Ian Bautista: Who you?

Seen 1:55PM

Eh?! Who you zoned na ba this?! Huhu. Why you gotta be so rude! Don't you know I'm human too! Huhuhuhuhu.

Baemax WP: Nakakasakit ka na ng feelings ah! Puro ka 'Who you'!

Sent 1:56PM

Luh? Nawala siya?

Baemax WP: Heyyo?

Sent 1:59PM

Na ignored-zoned na ba ako?! Huhuhu.

Baemax WP: Haroooooold!

Seen 2:01PM

Ian Bautista: Sino ka ba?

Seen 2:02 PM

Baemax WP: Gusto mo ba talagang malaman?!

Seen 2:10PM

Ian Bautista: Who you?

Seen 2:11PM

Baemax WP: Ako…

Seen 2:13PM

Baemax WP: Ako ang tatay mo!

Seen 2:14PM

Hehehehehehe.

Ian Bautista: Kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag mo kong pagtripan.
Seen 2:16PM

Ay ang taray ni koya! Rereplyan ko na sana siya nang may lumabas na salitang…

'You cannot reply to this conversation. More options.'

B-binlocked niya 'ko?!!!

I can't believed this!! Binlocked niya nga ako!! Waaah!

H-Harold… ang sama mo! Ang sama sama mo!!! Huhuhuhuhu!!

I Crush YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon