Prologue
"Uggh!ang ingay!Gusto ko pang matulog!"inis na bulyaw ko.Nagising na naman ako dahil sa sigawan nina mommy and daddy.Well sanay na naman ako sa kanilang dalawa e. Para silang mga alarm clock, umagang umaga ang iingay!
Bumangon na ako sa kama ko at ginawa ang aking morning rituals.Pagtapos nun bumaba na ako para kumain ng agahan.Hay heaven talaga pag si mommy ang nagluluto. Well may mga kasambahay naman kame pero iba paren talaga pag si mommy na ang nagluto."Mom alis na ako male-late pa ako"paghalik ko kay mommy sa pisnge ay agad na akong tumungo sa kotse para pumunta ng school. Umalis na ata si dad e wala na yung sasakyan nya dito sayang sasabay nalang sana ako sa kanya
Okay ako pala si Tricia Eliz Montemayor.16yrs old. Maganda,mayaman,matalino, sabi nila almost perfect na daw ako kaso may attitude problem daw ako. Well, I dont care if they don'like my attitude, as if naman na gusto ko ang sa kanila diba? The feelings is just mutual.
Hindi rin ako naniniwala sa salitang forever. Hindi ako bitter sadyang nagpapakatotoo lang. Just face the truth. We're in the reality and not in their crazy fairy tales. Lahat ng tao namamatay.Lahat ng bagay nasisira...nawawala...
Juicecolored! sa wakas nakarating nadin sa school grabe si manong Bay ha. Sabi ni mommy wag masyado mabilis magpatakbo e sobrang binagalan my goodness! Kala moy may nagnonovena e.
Pagkababa ko palang sa kotse may mga nagbubulungan na agad. Miyamong mga bubuyog sampigahin ko sila e! Brutal na kung brutal pero ganon talaga ako e.
"Good morning Tricia"bati sakin ng grupo ni Margaret. Tinignan ko sila at nagtaas agad ng kilay. Aba aba, anong nangyare dito sa hipong ito. Baka nakainom ng milk tea.
"Anong good sa morning kung yang mga pagmumukha nyo ang makikita ko?"sagot ko sa kanila. Bakas ang pagkagulat sa mga mukha nila Tsk. Kala ko sagad na ang kapangitan ng mga yan, may ikapapanget pa pala sila. Jusko lang ha!
"Grabe ka ikaw na nga tong binabati e tapos ganyan kapa! Ang sama talaga ng ugali mo!" Sigaw saken ni hipon. Abaaa! Makasigaw, talsik namn saken ang laway. Kadiri! Biglang nagpanting ang tenga ko at tinaasan sila ng kilay. "Hoy babaeng tempura este Margaret, Hindi ko namn sinabi na batiin mo ako diba?" Boom! Pahiya namn sya e.
...
Spell stressed T-R-I-C-I-A.. Goodness! Wala na bang matino dito sa school na ito bukod saken?Ayan na nagsipasukan na ang mga stupidyante. Andyan na ata ang menopause naming teacher.
"CLASS! QUIET! " bulyaw niya sa aming lahat. Letche ang tinis talaga ng boses nya, karinde e.
Nag start ng mag klase si Mrs.menopause. At wala akong ginawa kundi ang matulog.Haaay natapos naden grabe nakakapagod. Nakakapagod matulog. Na deformed ata ang balakang at pwet ko dahil sa maghapong pag tulog.