JARED
Shit! Kelangan ko ng bilisan. Male-late pa ata ako.Kainis namn kase puro kamalasan ang nangyare saken ngayong araw palang na ito. At umagang umaga kumo qouta na ako.
Una sira pala yung alarm clock. Pangalawa ang hina ng patak ng tubig. Pangatlo naflatan ng gulong yung sasakyan eto ako ngayon karipas ng takbo.
Shit late na nga ata. Hindi bagay sa magiging future valedictorian ang magkaroon ng late o absent. Tapos ang hagard ko pang tignan nakuu! Baka maturn-off si Pamela at lalong hindi ako sagutin.
Isang malakas na kalabog ang narinig sa buong classroom. Hingal na Hingal si Jared at pawis na pawis nang sya ay pumasok sa room.
"Wait Mr. Alejo. Why are you late?" Tanong ng kanyang adviser.
Nung nakapag paliwanag na si Jared ay agad narin syang pinaupo ni Mrs. Katakutan.
"Psst! Tabi upuan ko yan." Sabi ko dun sa babaeng nakaupo sa silya ko. Parang ngayon ko lang sya nakita. Tinaasan namn agad nya ako ng kilay."Diba nakaupo ako? Bat mo ako papaalisin?" Asik nya saken. Nagulat ako dahil ngayon lang may nagtangkang sagot sagutin ako." Eh meron namn dito oh" turo ko sa upuan katabi ng upuan ko. "Edi ikaw nalang umupo dyan, papatayuin mo pa ako." Mataray nyang sagot.Arrrgghh!! Nakakainis sya! Wala na akong nagawa kundi doon nalang umupo. Shit lang!
"Ah,Mr. Alejo. Sya ang magiging new classmate nyo. Be nice on her" Oh God! Parang hindi ko ata kayang maging nice sa kanya. Naiinis ako sa kanya, sa presensya nya, ewan ko ba pero sya siguro ang may gawa ng mga kamalasan ko! Arrggh! I hate her. Really.
TRICIA
Ewan ko ba,Pero parang magiging memorable at exciting ang magiging last year ko sa high school.*insert evil laugh *
So Jared pala ang name nya ha. Ang cute. Tinignan ko kaseng mabuti ang bawat angulo ng mukha nya. OK tatapatin ko kayo. Speechless ako. Ewan ko Parang ang perfect nyang tignan. Nakatulog ata dahil sa sobrang pagod. Ikaw ba namng tumakbo ng 1km juskoo Kung ako naku Wala pang 500m nahimatay na ako.
Well na eenjoy kona ang school na ito pati narin ang Batangas.
JARED
*yawn*kakagising ko lang. Grabe napagod ako dun sa pagtakbo.next time check kona muna lahat.*sigh*
Wait nakalimutan ko palang magpakilala. Jared Miguel Alejo is the name! Gwapo sobra. Matalino. Sporty. Mayaman. Gentlemen. Maalaga. Aba ako na yata ang epitome of a husband and boyfriend material. Wala ng hahanapin pa. Asaken na Lahat.
I've been courting Pamela for 3months at parang wala namng improvement Shit Lang. Tapos Baka naturn off na saken yun dahil sa kahihiyan ko kanina. Dinagdagan panung Tricia ata name nya. Nakuu! Ewan koba basta I hate her that's all.
Ang weird nga e. Hindi ko namn agad hinihate ang mga babae. Pero sya unang kita palang ayoko na sa kanya. *sigh* siguro dahil sya nga ata yung nagdadala ng malas sa aken. Kaya dapat kona syang layuan.