TRICIA
"Oh no no no NO WAY!" mababaliw na ata ako kakaisip. Paano ko namn sya magugustuhan diba? E ang yabang nya. Ang sama pa ng ugali saken.
Arrgghh! Gumulong ako ng gumulong sa kama ko.
"Hmm,kung iwasan ko nalang kaya sya?"bulong ko sa sarili ko. "Gaga! Anong iwasan ka dyan e pag nakikita mo nga kulang nalang dumikit ka sa kanya" Sabi namn ng isip ko.
Hay naku! Papasok na nga ako, baka malate pa ako kakaisip.
Napaka ganda talaga ng location ng bahay nina Lola. Malapit sa mall, Malapit din sa school kaya nilalakad ko nalang dahil walking distance Lang namn e.
Pagpasok ko ng classroom ay may mga bumati saken. Binati ko den namn sila."good morning Tricia" nakangiting bati saken ni Pamela."morning " bored kong tugon. Nang akoy makaupo na sa upuan ko ay agad masigla kong binati si Jared. "Good morning Jared!" Hindi manlang sya lumingon para tignan ako at Hindi nya rin ako pinansin. Hay.
Mukhang badtrip sya ah. Kase dati namn kahit papaano ay tumitingin sya pero titignan ako ng masama tapos biglang iirap. Diba ang bait nya saken.
Pero bat parang ngayon wala lang syang kibo? May sakit kaya sya?Hinipo ko ang noo nya para tignan kung may sakit nga sya.
Hinampas nya ang kamay ko at tinignan ako ng masama."ANO BANG GINAGAWA MO!" Nagulat ako dahil sa bigla nyang pagsigaw. Pati ang ibang studyante sa loob ng classroom kasama na si Pamela.
Sobrang pula ng mukha nya at bakas talaga ang galit sa mga mata nya.
"Ah e kase tinignan ko lang kung may sakit ka e" nakatitig pa din ako sa kanya. Wala akong pake kung anong sasabihin nila.
"Ewan koba kung nahahalata mo na o sadyang manhid ka lang! AYAW KITANG MAKITA! AYAW KITANG KAUSAPIN! AYAW KONG MALALAPIT KA SAKEN! KASE I HATE YOU! I DESPISE YOU! DID YOU HEAR ME HUH! I.HATE.YOU!" sa sobrang lakas ng boses nya e kahit sa labas ay rinig na rinig ito. Maraming nakarinig sa kanya.
Rinig na rinig ko ang mga bulungan nila. Nanginig bigla ako sa mga sinabi nya.
Ang sakit. Ang sakit sakit. Pero bat ba ako nasasaktan? Hindi namn ako ganito e.
Nang malapit ng tumulo ang luha ko ay tumakbo na ako palabas ng silid. Nagpunta ako sa madalas kong tambayan. Ang likod ng school building namen.
Ayokong may nakakakita saking umiyak. Ayokong sabihin nilang mahina at iyakin ako! Malakas akong tignan sa labas pero mahina talaga ako.
JARED
Sobra akong hiningal sa mga sinabi ko. Para akong mapapaos sa sigaw ko. Wala akong pake sa mga nakakita at mga nakarinig. Kahit kay Tricia, wala akong pakielam. Nakita ko syang nanginig dahil sa mga sinabi ko. Tumakbo rin sya siguro sa Sobrang kahihiyan. Serves you right!
Hindi na nya siguro ako kukulitin at titigilan na nya siguro ako. Mabuti namn yun at matatahimik na ako.
Sobra kasi akong badtrip kaninang umaga kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili kong sabihin lahat ng iyon.
Alam ko namang sumobra ako. Pero maganda narin yun. Nang tigilan nya ako.
Alam ko namang Malakas sya at kaya nya yun. Hindi nga sya madaling nasasaktan sa mga sinasabi ko e.
Dumating na si Mrs. Katakutan para mag umpisa na ng klase. Napansin nya na kulang ng isa ang kanyang studyante. "Where is Ms. Montemayor?" Walang nakaimik sa kanyang tanong. Nang biglang may nagbukas ng room at iniluwa nun si Tricia.
"Why are you late Ms. Montemayor?" Tanong nya sa dalaga. Binigyan sya ng dalaga ng matamis na ngiti na ikinagulat ng lahat ng nasa silid.
"Mam, I went to the washroom. " nakangiti parin nyang tugon.
"Ok you may now sit down. I have an announcement to make. " umupo na sya ng may ngiti parin sa labi.TRICIA
Akala nyo ha. Bakit parang gulat na gulat kayo. Akala nyo ipapakita kong mahina ako? Pwes nagkakamali kayo.
Nakangiti parin ako habang naglalakad. Rinig na rinig ko ang bulungan ng iba tsk binulong pa rinig din naman ng lahat. Stupid!
Nang makaupo ako ay nakita kong tumingin saken si Jared. Binigyan ko lang sya ng aking napakatamis na ngite. Nakita ko na nagulat sya.. Pero hindi na nya ito ipinahalata.
Nag start na ng klase si Mrs.Katakutan.
"OK class, one week nalang then magte take na kayo ng 1st Monthly Test nyo. By tomorrow we can now start our review."Sabi nya.
Class Dismissed.
JARED
Sabi na nga bat Malakas ang babaeng yun. Kung makangiti sya ay parang Wala lang nangyare kanina. Wala ata yung pakiramdam e. Manhid na siguro. Sa ugali nyang yun. Baka sanay na masabihan.
Speaking of. Malapit na pala ang Monthly test.Sureball ako na namn ang makakakuha ng highest score. Hindi na ako magugulat pa.
Ako ang palaging nagiging 1st honor sa mga schools na napasukan ko.
Ni minsan hindi ako nakaramdam ng matinding kaba sa mga kalaban ko sa pagka 1st.
Minsan nga hindi na ako nagaaral pero perfect or minsan 1 or 2 mistakes lang.TRICIA
Monthly Test pala ha. Ayon sa nasagap kong information si Jared palage ang nakakakuha ng highest score at sya palagi ang 1st honor. Running for valedictorian pala sya.
Hmm,paano kaya kung agawin ko sa kanya ang pwesto nya?
Sounds great, right?
