TRICIA
Lunch time ~
At last lunch naren! Gutom na Gutom na ako. Pagpasok ko palang sa cafeteria ay may mga nagbubulungan na -_- hay naku. Hindi ba sila nagsasawa sa pagbubulungan na yan? Kasama ko kasi sila Kurt at Luke kaya hindi na ako nagtataka sa mga bulungan na yan.
"Lukeee~" pagtawag ko sa kanya. Nakita ko namn syang nag buntong hininga. Grabii parang alam na agad nya ang sasabihin ko.
"Sige anong gusto mo?"yisss! Tagumpay! Hindi talaga ako neto matitiis. "Hahaha paano mo nalaman?"tanong ko sa kanya. "Sanay na ako sayo Eliz. So anong gusto mo?" Aray ha.
"Ahmm. Lasagna tapos tuna sandwich tapos hotdog sandwich and fries!"
" HAHAHA! Hindi ka namn gutom sa lagay na yan ha Eliz?" Tsk. Sino pa ba ang magasasabi nyan, edi yung asungot na si Kurt! Siniko ko nalang sya para namn tumigil sa pag tawa.
"Uy Eliz, bakit wala kang drinks ang dami mo pa namng kakainin. Baka mabilaukan Ka" wag kang mag-alala Kurt maunti pa yan, sabi ko sa isip ko. Then bigla nalang may imaginary lightbulb na biglang nag pop sa isip ko. Bwahahaha!
"Syempre hindi ko yan nakakalimutan. Libre mo akong drinks ha yung ice tea large. Tapos carbonara tapos yung pizza nila kahit dalawang slice lang. Pati mineral water." Nakita ko namn na medyo lumaki ng konti yung mata nya. HAHAHA! To be honest gustong gusto ko yung expression nyang yan. Yung nanlalaki yung singkit nyang mata bwahaha!
"Pasalamat ka at hindi kita kayang tiisin e." Sabay dukot sa kanyang mahiwagang wallet. Mahiwaga talaga kasi ba namn ang daming laman.
"Sya salamat!" *insert ngiting tagumpay* HAHAHA.
So ayun na nga binigay nalang ni Kurt yung pera kay Luke tapos umuna na kame para mag hanap ng upuan. May nakita namn akong vacant na pwestong pwedeng pang apat na tao. Tapos bonus pa na malapit sa inuupuan nila Jared at nung bruha nyang nililigawan.
Nang makarating na kami sa table namin e, may grupo ng babaeng lumapit sa'min at gustong makipag flirt Kay Kurt ampotek!
"Ehem ehem." Kunyaring nauubo si Martah yung leader ng grupong M. Grupong MALANDI!
"May ubo Ka?" Tanong ko sa kanya.
"Wala. Bakit bawal bang makiupo dito?"
"Bakit,may sinabi ba ako?" Kalmado kong Sabi sa kanya. Naririnig ko na ang mahinang bungisngis ng hayup sa tabihan ko. Sino paba! Edi si Kurt. Tsss. Tuwang Tuwa ang hayup.
"O Martah. Bakit ganyan kang makatingin? Ganun nalang ba talaga ako kaganda sa paningin mo?" Nakita ko namang Napa nganga ang grupong M.
"Tsk.tsk.tsk. Silence means yes. Atsaka kita kona yang mga gums nyo dahil sa sobrang pag nganga nyo. Hay naku! Bakit ba kase ang ganda ko at pati kayo napapa nganga!" With matching flip ng aking malambot na hair.
Nakita ko namn na madaming nakatingin sa gawi namin dahil sa nangyare. May mga naka nganga. May natatawa. May nabwibwiset. Well mixed emotions, I guess. Naupo nalang ako dun sa table namin at iniwan kong naka nganga paden ang grupong M. Serves you right, bitch!
"HAHAHAHAHA! grabe Eliz para akong tatangayin ng hangin dahil sayo e." Bwelta namn ni Kurt.
"Tangayin ka na nga sana. At Nang mabawasan na ang asungot sa mundo." Mahinang bulong ko. Pero dahil malakas ang pandinig ng hayuff e narinig nya ang mga sinabi ko.
"Wag ganun Eliz, maraming iiyak na babae at mga binabae." Natatawa paden nyang sabi. Asdfghjkl! Tangina. Ang yabang.
Hay naku. Asan na ba si Luke asan na ang foods ko! Mas lalo akong nagutom dahil Kay Kurt punyeta sya. Nakaka stress tong si Kurt pramis. Pasalamat talaga tong ugok na Ito at pogi sya kundi,nakuuu masasapok ko to.
JARED
Napatingin nalang ako sa paligid. Bakit parang sumama ang atmosphere. Sinuyod ko ang buong paligid,boom! Kaya pala e. Andito na ang witch.
Nakita kong papalapit sya malapit sa may table namin. Bigla nalang nagbago ang mood ko bwiset talaga yang witch na iyan. Hanggang dito ba namn?
So ayun nga, dito sila uupo sa katabi pa nami ng table!! What the hell!"Ehem ehem."rinig ko ang pekeng pag ubo ni Martah. Classmate ko din sya. Well bukod kay witch, I also hate Martah, she is an effin flirt.
"May ubo Ka?" Sabi ni witch. Tch.
"Wala. Bakit bawal bang makiupo dito?" maarte nyang tugon.
"Bakit,may sinabi ba ako?" Pa cool na sabi ni witch na nakaagaw ng pansin ng mga estudyante dito sa loob ng cafeteria. Mag aaway kaya tong dalawa?
"O Martah. Bakit ganyan kang makatingin? Ganun nalang ba talaga ako kaganda sa paningin mo?" Okaaay. What the fuck.
"Tsk.tsk.tsk. Silence means yes. Atsaka kita kona yang mga gums nyo dahil sa sobrang pag nganga nyo. Hay naku! Bakit ba kase ang ganda ko at pati kayo napapa nganga!" Then ayun na nga, kita ko na sa mukha nila ang pagkainis. Especially dun sa group ni Martah. Pero patay malisya lang kaming kumakain ni Pamela.Buti pa si Pamela di mahilig sa gulo nyahaha! Kaya gustong gusto ko to e.
"Pfftt!"kitang kita ko ang pamumula ng mukha ni Pamela. Siguro nagpipigil sya ng tawa. Hahaha. Ang cute cute nya.
"Bat' ka nagpipigil ng tawa?" Tanong ko sa kanya. Then ayun Hindi na sya nakapag pigil at kumawala na ang mahihinang tawa nya pero utas na. Grabe XD!
"Do you see Martah's face. HAHAHA that was so epic." Tawa sya ng tawa. Pero bat pati pagtawa nya ang cute paden?
Wala talagang nadudulot na mabuti itong si witch. Really. Dapat talagang iwasan sya. Pero kingna tol, sya namn ang lapit ng lapit.
Tinuloy nalang muna namin ang pagkain para pagtapos ay makalayo na kami dito kay witch.
LUKE
Haay! Parang may kaguluhan na namn dun malapit sa table namin. At parang alam ko na den kung sino ang involved dun.
Nagtataka ba kayo kung Sino? Well Parang hindi na ata e. Haaay. Sino pa ba? Edi si Eliz. Pero alam ko namn na hindi sya ang nauna kasi hindi namn yan lalaban kung wala kang ginagawa sa kanya. Pero Hindi sya nananakit. Pure words lang talaga. Pero puro pamimilosopo o pambabara lang namn yun.
Pinabilisan ko nalang ate yung order ko. Pag sa dame ba namn. Pumunta na agad ako dun baka kung may iba pang mangyare e, mahirap na.
"Thank God! At andyan narin yung MGA FOODS ko." She said.
"Grabe Luke ha. Pagsatagal mo namn inabot kana ng syam syam dun sa may kahera E. Nililigawan mo ba si ateng cashier? " Ewan ko ba kung matatawa ba ako o maiinis sa Tanong nya. HAHAHA. Kala ko nagjojoke lang Pero mukhang seryoso ang mukha nya.
"Duh!? Ang dami dami mo kayang pinabili at FYI lang mahaba ang pila!-_-" sagot ko. Oyyy. Uunahan ko na kayo di ako bakla. Sadyang minsan ay nagiging mataray or masungit ako lalo na Kay Eliz and her questions na ang sarap talagang sagutin ng pabalang.
"Ehehe. Sabi ko nga sige upo kana at kumain. Labyuu!" Sabi nya.
TRICIA
Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang sumulyap kina Jared at Pamela na kumakain sa katabi naming table. Tsk! Naglalandian pa. ABA cafeteria Ito! CAFETERIA! kainan hindi lugar para sa mga landian buseeet!
Nahagip ni Jared na beautiful eyes ko na naka tingin sa kanya. Sinamaan nya lang ako ng tingin. Death glare to be exact! Saka sya ng roll ng eyes. Tapos ngiti namn Kay Pamela! ABA!
Natapos na silang kumain at nung papa alis na sila at hinabol ko sila ng tingin. Nakita namn iyon ni Jared Tapos inirapan lang ako.
Asdfghjk!! Kingna namn!
-------
Hahaha sorry at matagal tagal din akong Hindi nakapag update. Nyahaha busy ang lola nyo e. Pero salamat sa mga nagbabasa. Labyuuu!