Flower 4

78 1 1
                                    

After ilang months....

Ella's POV

"Ma, papasok na po ako! ^^" sabi ko. At last, this day has come, pupunta na ako sa Sky Dream Academy as Elle Jay Kim. 

"Okay, kamusta mo nalang ako sa mga kuya mo." sabi naman ni mama. Nagbye na din ako kay Juris. naunahan pa nga ako ng mga kuya ko pumunta sa school, kasi may club activities sila. Pero kahit na, dapat sinabay nalang nila ako. 

Okay, Aaron Suarez is Mr.Sunsmile, si Ayden Suarez ay si Mr. Emotionless, then Sporty Prince is Calvin Suarez, last is Mr.Know-it-all Justin Suarez. I think memorize ko na kung ano yung attitude nila, si Ayden ang magiging classmate ko kaya mejo madadalian ako.

Dumating na ako sa school, tapos maggagather daw kami sa Suarez Theather, pumasok na ako at magstastart na ata. May nasa harapan na, si Mr. Daniel Suarez ata yun ah. 

"Good Morning to you all, I just want to say have a fun year again and we welcome all the new students. Good Morning and thank you." sabi niya, maiksi lang ah, hindi ako nakatulog. Okay pupunta na ako sa classroom, as of now hindi ko pa nakikita mga kuya ko.

 Pumasok na ako at umupo. Pero mejo nakakatakot lang kasi puro lalaki sila. Siguro andito si Ayden Suarez, pero hindi ko pa siya nakikita eh.

"Okay class, good morning to you all, I would like to start with a few reminders...." may nagsalita at si sir pala, andito na pala yung teacher. May reminders pa, like don't walk just run, no cheating, be a good sport and etc. 

"That's all and I would like to call our new students please come to the front." sabi ni sir, pinapunta kami lahat at nagstart na yung introduction. After ilang minutes ay ako na. Okay, you know what to say, breathe and...

"Good Morning, my name is Elle Jay Kim, you can call my Elle Jay, nice to meet you all!" sabi ko, with a guy's tone, at wala namang nagreact na hindi maganda. Pinaupo na kami at naglecture na si sir. Hindi ko namalayan na lunch na pala, parang hindi naglecture si sir. 

Okay let's go to the cafeteria! Pumunta na ako and woah, just to my surprise, andoon ang favorit bread ko, favorite ko talaga ang freshly baked na red bean bun. Kumuha na ako ng dalawa then binayadan ko na, maghahanap na sana ako ng upuan when..

"Gusto mo ba ng away ha? first day na first day aawayin mo ko?" 

"May problema ka doon? Hindi ka ba takot na aawayin kita?"

 bigla ako may narinig na nagsasalita sa labas, mukhang may away, pinakaayoko ang may away eh, kasi naiinvolve ako dun. At lumalabas yung pagkalittle monster ko during fights if you know what I mean. 

"Bakit naman ako matatakot, ikaw nga nagyaya sakin magsuntukan eh. hahaha"

"Yabang mo ah! Guys hawakan niyo na siya!!" 

Ito na nga ang away, wala naman akong magagawa kung hindi tumingin, lumabas na din ako at nakita ko ang nag-aaway pala ay si kuya Sam at isang grupo ng gangsters, syempre worried ako kay kuya Sam pero masworried ako dun sa mga gangsters. 

Alam niyo naman si kuya Sam ay may pagkakamali minsan, hindi siya nag-iisip minsan kaya napapadpad sa away. Makaalis na nga.

"Ella? ay Elle pala... Elle Jay!! Elle Jay!!" aalis na ako biglang may humila sa akin, at yun na nga, hinila po ako ni kuya Sam. Wala na akong magagawa kung hindi tulungan siya.

"So kuya Sam, ano po gagawin ko? gusto niyo po tulungan kita?" sabi ko naman sa kanya at napangiti na lang siya.

"Aba teka, nagsama ka pa ng isang kasamahan mo, Ikaw lang ang aawayin ko, hindi yang mahina at walang alam na lalaking kasama mo." sabi nung gangster. Mahina pala ako? at walang alam?? Pero, hindi ako pwede makipagaway eh, self-defense lang ako.

Flower Boy AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon