Ella's POV
Kailangan ko na bilisan!! Nakarating na ako sa street namin pero hindi ko pa rin sila makita, asaan na sila?!?
"Ella!" nakita ko na si kuya Jace, at totoo nga nagcolapse si kuya Nick.
"Kuya Jace, ano nangyari?!?" sabi ko habang binubuhat si kuya Nick.
"I think may lagnat siya at nainfect yung sugat niya." sabi ni kuya Jace. Huh? nainfect? wala naman siyang sugat ah.
"Asaan ang sugat niya? Wala naman, pero kailangan muna natin dalhin sa ospital." sabi ko tapos kinarga na namin ni kuya Jace papuntang hospital.
after a few minutes..
nakarating na kami sa hospital at tinawagan ko na rin si kuya Sam at si Mama, mukhang malala yung reason ng pagkacolapse ni kuya Nick.
"Doc, ano na po ba ang mangyayari sa kuya namin?" tanong ni kuya Jace na parang kinakabahan at pati ako natatakot sa resulta.
"Si Nicholas ay may lagnat nga, at sa palagay ko ay nanggaling ang lagnat sa sinat na nararanasan niya these days, kaya siya ay nagkalagnat. Epekto din ng kanyang sugat ang pagcolapse niya biglaan dahil hindi ito nadisinfect. Kaya ba ka hindi muna siya makakalabas ng hospital hangang hindi umaalis ang kanyang lagnat." sabi ng Doctor, malala nga yung nangyari kay kuya Nick, pero saan nanggaling yung sugat?? bakit wala akong nakikitang sugat?? asaan?!?
"Maraming salamat po sa tulong niyo Doc, tatawagin na lang namin kayo kapag kailangan." sabi ni kuya Jace.
"kuya Jace, Asaan ang sugat na sinasabi ni Doc?? wala naman ah." sabi ko.
"Ella, hindi ko ito nasabi sayo pero, nasugatan si kuya sa dibdib, kanina lamang, nilabanan siya nung gangsters na nakalaban kanina ni kuya Sam, pero hindi niya ito nilinis at pinahiran lang." sabi ni kuya Jace, ano? yung gangsters kanina na kalaban ni kuya Sam? kinalaban din nila si kuya Nick? Sumosobra naman sila.
"Ella! Jace!" andito na pala sina mama, siguro hindi alam ni mama tungkol dito pero sa tingin ko, alam ito ni kuya Sam.
"Ma! si kuya Nick po kailangan muna magstay sa hospital." sabi ko.
"Hay itong bata talaga, Sam maiwan muna kayo dito at tatanungin ko si Doc tungkol sa gamot na iinumin ni Nick." sabi ni mama at umalis na din.
"Ano nanaman ang nangyari kay kuya? Ano ba ginawa niya?" Tanong ni kuya Sam na parang naiinis.
"Kuya Sam, si Kuya Nick po may lagnat at kailangan niya magstay sa hospital. " sabi ni kuya Jace.
"Anu ba yan, nakakainis naman ito si kuya, nagkasakit pa kung kelan kailangan siya... Teka muna, Nagising na ba si kuya?" sabi ni kuya Sam.
Kung pwede lang gisingin ngayon, gigisingin ko na yan si kuya Nick, ang dami kong tatanong sa kanya. Bakit pa kasi ang kulit ni kuya, pinatulan pa ung mga gangsters.
"Hindi pa kuya, mataas pa ang lagnat niya kaya sa tingin ko ay hindi muna siya makakabangon at kailangan niya lang magpahinga." sabi ni kuya Jace.
"Oo nga kuya Sam, ako na lang ang tutulong dito, babantayan ko na lang si kuya Nick habang naandito siya." sabi ko.
"Teka lang, ako na ang magbabantay dito sa kuya niyo. May pasok pa kayo bukas at Ella, bago ka pa lang sa school, hindi ka pwede mawala dahil lang dito at Jace, alam ko naman na kailangan mo talaga pumunta sa school." sabi ni kuya Sam. Pero kuya Sam, kailangan ko pa rin tumulong kahit papaano.
"Pero kuya, sa tingin ko ay kailangan ako ni kuya Nick ngayon." sabi ko naman.
"Pati ako, sa tingin ko ay ako ang dahilan kung bakit nagkaganito si kuya Nick." sabi naman ni kuya Jace.
BINABASA MO ANG
Flower Boy Academy
DiversosElliana Jade Kim is just your ordinary girl who loves to enjoy life. What will happen if she goes to a school just to change 4 crazy students? What if she will disguise herself as a flower boy just to get there? What if love will start to bloom? Wha...