Ella's POV
Andito ako ngayon sa office ni Miss Christine, pinaupo niya ako at inoffer pa ng tea. Bakit kaya ako pinapunta? Ahh... Siguro..
"Ah. pwede na ba kita tawaging Elliana dito?" tanong ni Miss Christine. Ay ito na, sasabihin na sa akin kung bakit.
"Ah opo Miss Christine, Bakit niyo nga po ba ako pinatawag dito. Dahil po ba ito sa Masquarade kaya niyo po ako pinatawag?" tanong ko naman, kasi babalik ako sa school kapag may event dba?
"Yun na nga, buti naman ay naisip mo na yun. Alam ko first time mo sumali sa event na ito pero ito ay magiging masaya. Parehos lang naman ang mechanics, kilala ka naman ng mga classmates mo ngayon at maiintidihan naman nila ang sitwasyon mo." sabi ni Miss Christine. so ibigsabihin ay alam nila na nasa Boys School ako?
"Miss, ano po ba ang sinabi niyo sa kanila?" tanong ko.
"Ah.. eh.. wag mo na alamin. By the way, kamusta ang kuya Nick mo? ikinuwento sa akin ng mama mo na may sakit daw siya." sabi ni Miss, kung pwede lang sabihin na okay na siya pero..
"Ah, nagrerecover na po si kuya Nick ngayon, at balak ko nga po tulungan si mama sa expenses sa pamamagitan ng pagpanalo sa masquarade." sabi ko.
"Mabuti naman at naisipan mo iyon Elliana, mag-ingat ka lang kasi hindi dahil masquarade yun ay hindi ka na madidiscover." sabi ni Miss, un nga po. Ay wait lang.. may itatanong pala ako.
"Miss Christine, hindi ko pa po nakikita si Ayden kahit saan po, ang nakikilala ko pa lang po ay si Aaron. Mukhang madali lang po si Aaron. Pwede ko po ba malaman kung papaano ko po makita ung iba?" tanong ko, ang hirap kasi eh. Si Aaron palang ang nakikilala ko, tapos hindi ko pa makita si Calvin at Justin Suarez.
"Ay nako, si Ayden talaga. Biglang susulpot nalang un sa school kung may mood un. Bakit kasi hindi marunong magdisiplina yang asawa ko, tsk. Oonga pla, ung dalawa. Si Calvin ay laging kasama ang kuya mo, si Sam dahil sports captain si Sam dba? at sports prince naman ito si Calvin. Ang isa naman ay mahilig pumunta sa library, at bigla na lang yan sisigaw dahil may mali siyang nakita." sabi ni Miss Christine. Teka, si kuya Sam? kasama si Calvin Suarez? Bakit hindi niya sinabi sa akin? At dba sabi ni kuya Sam mga unggoy sila? nakakalito talaga.
"Oonga pla Elliana, ito pa. Ang mga kuya mo na sina Nick, Sam at Jace at ang mga anak ko na sina Justin, Calvin, Ayden at Aaron ay ang mga lalaking pinakakilala sa school na ito. Hindi siguro alam ng mga kapatid mo na sikat din sila pero kilala din sila. Ito namang mga anak ko eh, kilala din dahil sa kalokohan nila pero hindi ko alam kung bakit habulin sila ng mga babae.. ay bsta, kailangan mo sila mabago." dagdag na sabi ni Miss Christine. Ganun? Sikat sina kuya? So ibigsabihin, kilala din ng mga Suarez ang mga kuya ko?
"Ah, oonga po pla Miss Christine. kelan po ba ako babalik dito?" tanong ko, ba ka kasama ako sa mga preparations and etc.
"Sa mismong event na, ang klase mo ang bahala mag-ayos ng classroom at ang theme ata na nakuha niyo ay... coffee shop? un ata." sabi ni Miss Christine, Coffee Shop? so magiging barista kami? ah.
"Ganun po ba. Miss Christine, kapag break na po, pwede po kami pumunta sa S.D.A. para icheck yung sa kanila?" tanong ko, para naman makita ko ung mga kuya ko kung ano ung ginagawa nila at makilala ko na rin ung mga Suarez.
"Oo naman, pagkatapos nun ay diba kukuha kami sa masquarade ball ng mananalo? God Bless na lang dun. Sige, un lang naman ang ating pag-uusapan ngayon, pwede ka nang umalis." sabi ni Miss Christine, nagpaalam na ako at umalis na.
Iniisip ko pa rin, paano nagkaibigan un si kuya Sam at un si Calvin Suarez? Nakakapagtaka lang talaga. Pumasok na ako sa bahay at si kuya Sam at si Juris lang ang nakita ko, sa tingin ko nga na wala si kuya Jace.
BINABASA MO ANG
Flower Boy Academy
OverigElliana Jade Kim is just your ordinary girl who loves to enjoy life. What will happen if she goes to a school just to change 4 crazy students? What if she will disguise herself as a flower boy just to get there? What if love will start to bloom? Wha...