Ella's POV
So yun, oonga pala, hindi pa ako nagpapakilala in a formal way. As my brothers said, I am Elliana Jade L. Kim. I studied in Musical Arts Girls School when I was pre-elem and elementary. Now, I'm going to study at Musical Arts Girls School as a highschooler, pansin niyo GIRLS school??
haha, kasi naman kaya ako pinag-aral ni mama sa girls school dahil sa demand ng mga kuya ko. Ayaw daw niya ako mapalapit sa mga lalaki. Kaya dyan ako, hangang GIRLS school lang ako. Wala naman akong masasabi kasi nakatatanda sila eh.
*pagkatapos kumain*
Summer kasi, siguro bibisita muna ako sa school. Titignan ko kung ano yung itsura ng highschool doon. Nakakaexcite naman ^^. Pagkatapos ko magbihis, nilagay ko na yung camera sa bag ko.
"Ma, aalis muna po ako, bibisita lang po ako sa M.A.G.S." sabi ko. ang kulet ng name no? reminds me of a nail polish.
"Sigeh anak, pag-uwi mo ay magdala ka ng Drinks" sabi ni mama.
"Okay po ma! ^^" sabi ko naman.
Umalis na ako sa bahay, ginamit ko ung bike ko, at syempre dinala ko na din ung guitara ko. Malay mo magamit ko dba?
Hay, ang sarap talaga ng simoy ng hangin, kahit na mainit sa ibang lugar, samin hindi. Puro puno ata ang lugar namin. ^^
Nakarating na ako sa school, sobrang laki pala ng lugar, grabe nakakaexcite na! ^^
Woah! may sarisariling studio room na, sa fourth floor. tapos sa third floor, buong canteen! tapos sa second naman, puro classrooms. Andoon na din ung mga laboratories at mga club rooms, akala niyo puro music related lang no?? syempre hindi naman lahat music related. 1st floor o ground floor ay mayroong mga huts and pavilions and gazebos. Saya naman tumugtog sa places na ganun.
Syempre, kailangan namin mag exercise din kaya may track field sa labas, tapos may basketball, volleyball, tennis, badminton courts. Mayroong din pang soccer,baseball at football. May outer room din na sa loob may swimming pool.
Wow talaga! sobrang ganda! ^^
"Elliana ikaw ba yan?" unknown person.
"Ay!!! M-Miss Christine, ginulat niyo naman po ako." sabi ko, grabe ah, nakakagulat talaga.
"Haha, bakit ka nandito Elliana, may kailangan ka ba??" sabi ni Miss Christine. Si Miss Christine nga pala, siya ang Principal ng school na ito, bakit hindi Principal tawag ko sakanya?? kasi friend siya ni Mama, parang magsisters na nga sila eh.
"tinitignan ko lang po yung school, ang ganda po pala! ^^" sabi ko naman, eh talaga namang maganda eh hehe.
"Elliana, di to ka parin ba mag-aaral?? hangang college??" sabi ni Miss Christine.
"Opo Miss, dito po gusto ng family ko, ayaw nila sa ibang school." sabi ko naman, bakit kaya nagtanong si Miss ng ganun??
"Ganun ba?? sayang... may favor sana ako sayo... pero, wala eh.. di ko ata ikaw mapagkakatiwalaan.." sabi ni Miss Christine.
"Ay Miss! Anu po ba yung favor na yun?? Matagal niyo na po akong tinutulungan eh, since bata po ako kayo na po ang nag-aalaga sa akin tuwing andito ako sa school. " sabi ko. Pagkakataon ko nang magbalik ng favor kay Miss Christine.
"Kung Ganun! Tara! punta tayo sa office ko! ^^" sabi ni Miss Christine, Wow ah, parang kanina wala siyang tiwala pero ngayon... feeling ko mali tong ginagawa ko ^^"
Pumunta na kami sa office ni Miss, hala, ba ka kung anong favor pa yun na dapat pumunta pa sa office ni Miss.
"Elliana." sabi ni Miss. Nakakatakot din pala ung boses ni Miss.
"P-Po Miss!" sabi ko.
"Have You ever heard of Sky Dream Academy?" sabi ni Miss Christine.
"Ah yes, yun po ung neighboring school ng M.A.G.S dba po??" sabi ko. Yung Sky Dream Academy pala ay isang boys school, meaning puro boys lang dun, pati daw teacher, lalaki lang ang inaaccept.
"Ah, so hindi ko na pala kailangan i-explain sayo yun. Ito tignan mo tong picture" sabi ni Miss Christine sabay bigay sakin ng picture.
"Yan ang family ko, Kung nakikita mo andyan ang Director na si Mr. Daniel Suarez diba? Alam mo naman na siya ang asawa ko." sabi ni Miss Christine.
"Opo, alam ko po. Ano po ba ang ibigsabihin nito? Bakit niyo po binigay sakin itong picture?" sabi ko. Nakakapagtaka kasi eh, bakit binigyan niya ako ng family picture.
"Ganito kasi yan, nakikita mo ba ang apat na lalaki dyan? Sila ang mga anak ko. Si Calvin, Aaron, Justin , at si Ayden. Si Aaron at si Ayden ay twins, sila ay 1st Year, Si Calvin naman ay 2nd Year, while si Justin ay 3rd Year." sabi ni Miss Christine. Still, naguguluhan parin ako.
"Haha, alam kong naguguluhan ka pa, so itutuloy ko. Yang mga anak ko ang pinaka makukulit sa school. In short, problematic child sila. Inaamin ko na spinoiled ko sila ng onti, pero gusto ko na silang mapasunod sakin. So ang dapat mong gawin ay ayusin ang kanilang ugali. Ibibigay ko tong folder sa iyo para maging guide sakanila." sabi ni Miss Christine .
"Miss, Boys School po ang Sky Dream Academy, hindi po ako pwede pumunta doon." sabi ko. Ano kaya balak ni Miss?
"Kaya nga, so ang gagawin mo ay magpapanggap kang lalaki para makapasok doon. haha, alam kong kaya mo magpanggap dahil mataas ang acting skills mo." sabi ni Miss Christine.
Ha? Ano daw? Magpapanggap ako?? bilang isang.. l-lalaki?!?!?
"Miss naman.. wag naman po ganito." sabi ko.
"Kapag hindi ka pumayag sakin, hindi ko na ikaw papaaralin dito, wala na tayong connection sa isa't isa. Wala ka ng pag-asa bumalik dito, at kung naaalala mo ay dba ikaw ang may gusto tumulong sa akin? " Nakakatakot na sabi ni Miss Christine.
*umalis na ako sa office*
nakakatakot naman si Miss, pero no choice, kailangan ko manatili sa M.A.G.S. pero sandali lang... kung papasok ako sa Sky Dream Academy bilang isang lalaki.. ehdi dun din ako mag-aaral???
Hala, ang gulo naman nun. Sakay nga muna akong bike at babalik muna ako sa bahay.
*pagbalik sa bahay*
"Oh, Ella, Asan na ang drinks na pinabili ni mama?" sabi ni kuya Nick.
"Ito po kuya." matamlay kong sabi.
"Ella? Bakit ka malungkot?" sabi ni kuya Jace. sabay back hug sakin.
"Oonga Ella.. Ano nangyari sayo??" sabi ni kuya Nick at Sam. sabay yakap din sakin.
"Ate, bakit ka po malungkot??" sabi naman ni Juris sabay hawak sa kamay ko. Muntik ng tumulo ang luha ko, pero napigilan ko naman .... hindi ko na kaya gawing sekreto sa kanila eh.. sasabihin ko na.. Pero..
"Ay wala, okay lang ako, eh sa inyo? Anu nangyari sa inyo? At bakit nasa akin ang lahat ng attention?" sabi koong pabiro.
"Hahaha! sabi na nga ba okay lang ang Ella natin eh ^^" sabi ng mga kuya ko.
"Juris, tara na sa kwarto. Okay lang si Ate ^^" sabi ko. Siguro kay Juris ko lang pwede sabihin.
"Okay po ate! ^^" sabi ni Juris.
Ano na kaya mangyayari sa buhay ko?? Na dapat maging lalaki ako ??? Miss Christine kasi eh!!! *pouts*
_____________
comments?? votes?? follows??
why not try it!! ^^
BINABASA MO ANG
Flower Boy Academy
RandomElliana Jade Kim is just your ordinary girl who loves to enjoy life. What will happen if she goes to a school just to change 4 crazy students? What if she will disguise herself as a flower boy just to get there? What if love will start to bloom? Wha...