"AAGAWIN KO ANG LAHAT SA'YO"
Written by: TwinheartCHAPTER 6
KANINA pa tapos nagsalita ang tatay Frances niya, subalit ang dalaga ay napapatiim bagang sa mga naririnig.
"hindi pa rin tama ang ginawa nila Tay! Kaya dapat lang na magbabayad sila." si Maricon na hindi kabakasan ng takot sa maaring mangyari."Hindi mo pweding hadlangan ang kaligayahan nila."
napalingon ang dalaga dito. " bakit tay? Naiisip ba nila ang paghihirap namin ni Mama? Samantalang sila ay nagpapaligaya?" nanlilisik ang mga mata nito.
"hindi ako makakapayag na magiging masaya sila sa huling yugto ng buhay ko." wika nito.
Saka iniwan ang tatay Frances na walang nagawa.
Natatakot lang ito na baka mapahamak ang dalaga. Kapag ipinagpatuloy nito ang gustong mangyari.SA SILID ni Sandra. Tulog na ang mama nito ng pumasok ang dalaga. Hinalikan niya ito sa noo, at umupo sa bakanting upuan. Mahal na mahal niya ang kanyang ina, lahat gagawin niya maipaghiganti lamang ang sinapit nito.
"Ma, nakita ko na ang kapatid mo? Siya mismo ang lumapit sa akin." anya."magsisimula na ako ma! At sa pagkakataong ito, sila naman ang magmamakaawa sa atin." hinayaan ang luhang pumatak, sa galit ng mga taong naging dahilan ngayon. Kung bakit nawala sa katinuan ang ina.
KINABUKASAN, gumayak na ang dalaga pauwi ng manila.
"hindi na kita maihatid, kasi walang magbabantay sa mama mo dito!" ani Frances dito.