Aagawin Ko Ang Lahat Sa'yo

246 13 0
                                    


"AAGAWIN KO ANG LAHAT SA'YO"
Written by: Twinheart

       CHAPTER 4

"saan siya ngayon nakatira iha?" na interesado sa dalaga. Alam niyang pamangkin niya ito, at anak ito ng kanyang ate Sandra.
"Diyos ko! Patawarin niyo ako sa nagawa kong kasalanan. " sa isip nito.

Napakunot ang noo ni Bregit na tumingin sa ina. "Mom what are those tears? I was just telling what was happening to me in the university. And then you cry when i mention that name Maria Consuelo? And why your interested with her?" anito.

"Im sorry baby! May naalala lang ako." anya. Walang alam si Bregit sa tunay na pinagmulan niya, dahil sa lihim na hindi na dapat pang ungkatin. Ngunit sa pangalang binanggit ng anak. Alam niyang ito ang magbabalik sa nakaraan.
"i need to rest iha! If you want anything, call one of our housemaids okay!" hindi na hinintay ang anak na sasagot ito. Nagmamadali siyang makarating sa kwarto. At doon ibuhos ang luha at kunsensya sa lahat ng nagawang pagkakamali.

"hindi ko sinasadyang mahalin ang asawa mo ate Sandra. Patawad! Hindi ko sinasadya. " humagulgol ito. Mahal na mahal niya ang kanyang ate, ngunit ang mali lang niya ay minahal din niya ang asawa nito. Tumigil ito bigla sa pag iyak at nakapagdisisyon na hanapin ang pamangkin. "hahanapin kita pamangkin ko! Kayo ni ate Sandra." muli wika nito.

SEBASTIAN mansion. Hindi makatulog ang dalaga, dahil siguro sa naninibago siya. Nagpalakad-lakad lang siya sa loob ng kwarto. "Kailangan kong umalis dito!" kinuha ang mga gamit at lumabas, dahan-dahan itong naglakad para hindi makagawa ng ingay.

Nasa kalagitnaan na siya ng hagdanan, biglang may humablot sa kanya at kinarga, kasabay nito ang pagtakip sa kanyang bibig. "uhmmm..." anang dalaga, hindi siya makagalaw dahil sa sobrang higpit ng yakap nito sa kanya.

"Stop it Miss Clemente, kung ayaw mong ihagis kita sa sala mula dito." si Duncan. Karga ang dalaga hanggang sa kwarto ng binata at inilock pagkapasok nila.

"How dare you Mr Sebastian, you don't have right to do this to me!" munting sigaw niya dito, matapos siyang maibaba sa kama ng binata.

"Until you are here in my house, i have the right miss Clemente, at dahil sa ginawa mong ito, you will sleep here with me in my room. No..! In our room." si Duncan na hindi hahayaang makaalis ang dalaga sa bahay nila.

"No way! I never sleep with you. Ayokong makasama ka!" wika ni Maricon.

"i don't care miss Clemente. Mananatili ka sa kwarto ko, hanggang kailan ko gusto. At wala kang magagawa, kundi ang sumunod sa akin." ani Duncan na napapatiim bagang.

"hindi! Ayoko! Uuwi na ako. At wala kang magagawa kung ayoko." pagpipilit pa rin ng dalaga.

Subalit humiga ang binata at kunwaring inaantok. "I'm sleepy sweety,! Saad nito at tumalukbong ng kumot.

Habang ang dalaga ay nasa gilid nito, she was really annoying to him. At hinampas niya ito. "ano ba Duncan." sa unang pagkakataon nasabi niya ang pangalan ng binata.

Ikinatuwa ito ng lihim ni Duncan, ang sarap pa lang pakinggan mula sa bibig ng babaing minahal mo na sa unang pagkakataon.
"Open the door and let me to leave." na niyugyog ang balikat ng binata.

Hindi pa rin ito natinag. Sa inis ng dalaga,dahil hindi man lang siya pinakinggan. Bumaba siya ng kama at hinanap ang susi kung saan ito tinago ng binata. Hanggang sa napagod ito, at pasalampak na naupo sa maliit na sofa. Tiningnan ang binatang nakatalukbong. "Nakakainis ka Mr Sebastian. Wala kang karapatang gawin ito sa akin!" anya sa sarili.
Nakatulugan na rin ng dalaga ang paghihintay.

Samantala hinintay lang ito ni Duncan na mapagod at makatulog. Nilapitan niya ito ng makitang tulog na ang dalaga.
"I never though your changing my life Maricon! Ikaw lang pala ang hinintay ko." hinaplos ang magandang mukha ng dalaga. "kailan ko kaya ulit matikman ang mga labing ito?" na pinaraanan ang mamula-mulang labi ng dalaga.
Kinarga na naman ito ng binata papunta sa kama,pagkatapos kinumutan at nagpasyang iwan ito. "Good night sweety" isang masuyong halik sa noo ang iginawad nito.

Aagawin Ko Ang Lahat Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon