"AAGAWIN KO ANG LAHAT SA'YO"
written by: TwinheartEPISODE 10
TULOG ANG binata ng pumasok si Maricon sa loob. Nakaupo lang ang mga kaibigan nito, sina Weng at Cathlin din.
Unang tumayo si Dahumi, sumunod si Janno at Joaquin.
"Tito! Tita! Mauna na po ako! Ani Dahumi."Kami rin po tito, tita! Saad naman ni Janno at Jaoquin.
Tumango naman ang dalawang matanda. "Mag iingat kayo sa daan, at salamat sa inyo. Sa pagligtas ninyo kay Duncan." si Errol.
"he's our friends tito! Kung saan siya, doon din kami." si Joaquin.
Bumaling ang tingin ni Dahumi kay Maricon. "are you okay?"
"Oo! Simpleng sagot nito.
"Ihahatid na kita!"Mamaya pa ako uuwi. Salamat na lang Dahumi." ngunit ang totoo ay gusto lang niyang bantayan ang binata buong magdamag.
"Sige! Mauna na ako." umalis na rin ang mga binata.
Si Weng at Cathlin ay sumabay na rin sa mga ito.
"sure ka bang ayaw mong magpahatid sa amin Consuelo?" si Cath."yeah Maricon! Worried lang kami sa'yo! Baka mapaano ka pa sa daan." ani Weng dito.
"I'm okay Girls! Walang mangyayari sa akin. Sige na! Umalis na kayo." saka hinalikan ang dalawang kaibigan.
Hindi talaga napilit ng dalawang dalaga si Maricon na maihatid."IHA! Ayaw mo pa bang umuwi?" silang tatlo na lamang ang naiwan sa loob ng kwarto.
"babantayan ko ho si Duncan tita! Anya sa ginang.
"nakakahiya naman sa'yo, kung ikaw ang magbabantay sa kanya." ani Errol dito.
"okay lang po iyon tito! Wala naman akong masyadong gagawin." saad niya,
Napapayag niya ang dalawang matanda. Sa pag aakalang nobya ito ng kanilang unico iho. Umuwi na lamang sila, para bigyan ng privacy ang dalawang mag sing irog."DUNCAN tama bang papasukin kita sa buhay ko?" tanong niya sa binata.
Siya na lang ang naiwan ng mga oras na iyon."natatakot ako na baka katulad ka rin ng ama ko." muling wika niya. Hinaplos ang pisngi ng binata.
"Pinilit ko ang sarili kong huwag kang bigyan ng pagkakataon. Pero ayaw sumunod ang puso ko Duncan." umagos na ang mga luha ni Maricon.
Yumuko siya dito, at hinayaang maglandas ang mga luha. Sinusumpa niya noon, na walang sinumang lalaki ang kanyang mamahalin. Ngunit nagkamali siya, dahil nakilala niya si Duncan. Ito ang nagturo sa kanya, kung paano ang magmahal.