AAGAWIN KO ANG LAHAT SA'YO

137 7 1
                                    


"AAGAWIN KO ANG LAHAT SA'YO"
written by: Twinheart

EPISODE 9

"SIMULAN n'yo na ang magbalot-balot, dahil sa kangkungan ko kayo itatapon" anang dalaga.

"Hindi mo pweding gawin yan sa kanila Maricon. Pamilya ko rin sila." sabad naman ni Philip, yakap nito ang mag ina niya.

"Ano 'to Philip,laro? O segi! Ayaw mong gawin ko sa kanila iyon? Ibigay mo ang lahat-lahat ng pag aari mo. Umalis kayo sa pamamahay na ito, ni walang bitbit kahit na ano." nanlilisik ang mga mata ng dalaga.
"ang lahat-lahat! Kasama ang damit ninyong suot, ngayon din."
si Maricon na walang bahid na ito'y natatakot.

Hindi makapaniwala si Isabel at Briget. Ganun din si Philip, pati siya na sariling ama nito ay pinapaalis?
"Nahihibang ka na ba Maricon?" wika ni Isabel.

"Ano'ng gusto mo mistress huhubaran kita diyan, para malaman mong seryoso ako!" ngumiti ang dalaga.
"Hindi ninyo kaya diba? Isang haligi ng tahanan,kasama ang kabit. Dala-dala ang sampid na anak, naglalakad na nakahubad? Outch! Ano kaya ang kalalabasan kapag nangyari iyon?" wika ng dalaga na tumatawa sa naisip.

"Wala! Dahil hinding-hindi mangyayari iyon!" sigaw na naman ni Briget. "baliw ka na Maricon!" ulit pa nito.

"ako nababaliw? O baka kayo ang nababaliw! Pa'no nga pala kayo nabuhay sa mundong ito kung sa likod ng inyong maskara ay isa pala kayong putik sa lupa na kailangan ng tabunan para hindi na ito magkakaroon pa ng pagkakataong ikalat ang mantsa na galing sa putikan."
"naiintindihan n'yo ba ang mga sinasabi ko?"

"wala kang kasing sama Maricon!" si Isabel.

"Ows...ako? Walang kasing sama? Saan mo ba nakukuha ang mga katagang iyan Mistress? Sa mismong bunganga mo sa butas ng iyong ilong?"

"Tama na Maricon, sinasaktan mo na si Isabel at Briget" tinuro pa ang dalaga ni Philip.

"Ang galing talaga ni Philip Aguillar! May paturo-turo pa siyang nalalaman...." pumalakpak ang dalaga.
"hinahangaan ng lahat sa hindi nakakaalam. Ang bobo kong ama na makapal ang mukha ay pinagsabihan ang orihinal na anak. Sinasaktan ko daw ang mistress niya at ang sampid niyang anak? Oh,, how come! Tsk tsk tsk... bobo ka Philip Aguillar."

Ibinaba ni Philip ang hintuturo, dahil wala siyang karapatang gawin ito sa dalaga. Naiinsulto na siya sa pinanggagawa ni Maricon.
"Isasali ko 'yan sa kaso mo Philip Aguillar."
"till next time! At huwag din pala kayong magkakamaling gawan ako ng masama, dahil ipinabigay alam ko na ito sa court of justice. Ako lang ang hinihintay nila,kung kailan ko kayo ipapakulong. Kasama ang bastarda kong kapatid. But i was think, not now! Mas masarap ang maglaro at iparamdam ang sakit, kaysa deritsahan ang paniningil." nag flying kiss pa ang dalaga sa tatlo bago tinalikuran na tumatawa.

Halos mawalan ng dugo si Philip. Kung tutuusin ay pwede silang makulong at kasuhan sa kanilang ginawa. Ngunit hindi niya akalain na mismong anak niya ang magpapakulong sa kanila.
Biglang sumikip ang dibdib ni Isabel. Nahihirapan itong huminga.
"Mommy? Si Briget na niyugyog ang ina.

"Isabel? Anas naman ni Philip.

"Daddy dalhin natin siya sa hospital dali," wika ng dalaga. Sa takot na baka inatake na naman ang kanyang mommy.
Binuhat ito ni Philip at agad isinakay sa kotse.

NAKITA pa ni Maricon ang nangyari kay Isabel. "Bagay lang 'yan sa inyo Isabel! Kulang pa 'yang kabayaran sa mga kasalanan ninyo sa amin ng mama ko." umagos ang luha ni Maricon, kung nahihirapan man ang mga ito.
Mas higit siya, dahil hindi siya ganun kasamang tao upang maghiganti. Subalit hindi din naman niya hahayaang maging masaya ang tatlo, habang siya at ang kanyang ina ay nahihirapan.
"Kung sana naisip n'yo na mayroon kayong taong nasasagasaan sa ginawa ninyo! Hindi sana tayo hahantong sa ganito." pinahid ang mga luha at nilisan ang lugar na iyon.

Aagawin Ko Ang Lahat Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon