"AAGAWIN KO ANG LAHAT SA'YO"
written by: TwinheartEPISODE 12
"TOMORROW i will go to the university sweety! Gusto ko ng mag aral ulit." habang sinusubuan ito ng dalaga.
"Excuse ka pa naman sa lahat ng subject mo. Better to take a rest at magpagaling before you-
"No sweety! Gusto kitang mabantayan doon." ani Duncan.
"ano? Hindi na ako bata para bantayan mo okay! Natatawa ito sa inasal ng boyfriend.
"ahh basta! I insist" wika pa nito.
"Ikaw bahala! Sinang ayunan na lamang ito ng dalaga, dahil ayaw naman siyang pakinggan.
Hanggang sa nagpaalam na ang dalaga na papasok muna siya sa university. Ayaw pa sana siyang pauwiin ng binata, subalit kailangan din naman ni Maricon na mag aral.
KANINA pa naghihintay ang dalawa niyang kaibigan, dahil ito ang araw na magsisimula ang rehearsal ng show na gagawin.
"Maria Consuelo? Thanks at dumating ka na rin! Si Weng.
Hinalikan ang dalaga."Bakit? Anya.
"Kanina ka pa namin hinihintay , dahil ito ang unang araw ng rehearsal ninyo sa gagawing show." si Cathlin.
"Lets go girls, dahil magsisimula na." hinila ang dalawang dalaga.
pagpasok nila sa grandstand ng university, dahil dito sila magpapraktis ng makita si Briget.Nagulat si Briget, ngunit hindi si Maricon, dahil alam niyang kalaban ito sa gaganaping show.
"Okay finally Miss Clemente is right here now! So we started our rehearsal." anang bakla.Pagalingan sila sa pagrampa, sinisiguro ni Briget na matatalbugan niya ang ganda at kasexsihan ni Maricon. Lihim pa itong napapangiti, dahil walang-wala si Maricon sa kanyang katawang kung kaseksihan ang pag uusapan. Sa suot nitong maluwang na tshirt at pantalo ay nagmukha itong cheap sa kanyang paningin.