"AAGAWIN KO ANG LAHAT SA'YO"
written by : TwinheartEPISODE 11
KINABUKASAN nakapagbihis na ang dalaga. Hindi siya nakatulog sa bago niyang kwarto ngayon, dahil naninibago siya.
She remember last night,kung paano sila nagkasagutang apat. Ang walang kwenta niyang ama ay hindi man lang nahihiya sa kanya.
"Kulang pa ang paghihiganti kong ito." wika niya sa sariling may namumuong luha.
Nagring ang kanyang mobile, pinahid ang luha sa mata. Si Duncan ang tumawag, napangiti ang dalaga.
"Hi sweety, good morning!" ani Maricon."Good morning too sweety! Where are you now? Hindi ka man lang tumawag sa akin kagabi para ipaalam kung nakauwi ka ba ng maayos." anang binata, nag alala ito ng sobra kay Maricon.
"Okay lang ako Duncan! Don't worry about me! I can manage myself. Ang dapat mong alalahanin, ay ang sugat mo." anya.
"wala ka bang balak dalawin ako dito?" sa malungkot na boses.
"meron! Pero mamaya, dahil may importante lang akong gagawin." napapatiim nitong sabi.
"i miss you Maricon!" si Duncan.
"I miss you too Duncan, pero kailangan ko muna itong gawin."
"i know what have you plan sweety, please let us to talk about what did you think." ayaw lang nitong mapahamak ang dalaga.
"Duncan, try to understand me, gusto kong matikman nila ang natikman naming paghihirap ni mama." matigas na wika ni Maricon.
"Sweety! God! Baka mapaano ka pa sa gagawin mo! Kapag may mangyaring masama sa'yo. Ako ang unang mababaliw." si Duncan ulit.
Bumuntong hininga ang dalaga. Napag isip isip niyang may araw pa namang darating. "Okay! Pupunta na ako diyan ngayon." ngumiti na rin ito. Namis din naman niya ang binata.
Umaliwalas ang mukha ng binatang nasa kabilang linya. "really sweety? Thanks at pinagbigyan mo ako." masayang sabi ng binata.
"ipapasundo kita diyan?""no! Ako na lang ang pupunta diyan."
"but sweet-"
"I love you Duncan! Agaw niya sa sasabihin ng binata.
Sa tuwing sasabihin niya ditong "Mahal Kita" hindi niya mapigilan ang lumuha, siguro darating ang araw na mawawala pa rin ang binata sa kanya.