A/N: I'm very sorry for the very late update. Sana magustuhan niyo tong chapter na 'to.^_^
_________________________________________________________________________________
Selena's POV
Lately, parang tinatamad na ako sa buhay ko. Kunsabagay, wala ng nangungulit sa'kin. Hindi pa nagpapakita muli yung "lalaking" yon mula nung araw na yon. Mukhang nakaramdam siya sa binabalak ko. Lagot talaga siya sa akin kapag nagkita kaming muli.
Naglalakad ako sa may garden nang may mahagip ang mga mata ko. Si Edward! I turned around para hindi na niya ako mapansin pero mali pala yung ginawa ko.
"Selena!"
Hindi naman ako isang rude na tao kaya hinarap ko siya at nginitian. Lumapit siya sa akin.
"Kumusta ka na?"
"Heto, ok naman."
"May gagawin ka ba ngayon?"
"Oo." Kahit ang totoo, wala naman.
"Ok lang ba sa'yong lumabas tayo? I mean friendly date."
"Saan ba patungo ang usapang 'to?" Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at tinitigan niya ako.
"Selena... I want you back in my life. I realized my stupidity after letting you go. Please come back to me."
Ang lakas naman ng loob niyang sabihin ang mga bagay na 'to after niyang gawin yon sa akin. Tingin niya ba, ganoon lang kadaling limutin ang bagay na yon? Kahit na mukha siyang sincere, hindi na ako muling magpapaloko sa kanya.
*FLASHBACK*
Kasalukuyang naglilibot ako sa school nang makita ko si Edward sa likod ng gym. Babatiin ko sana siya nang makita kong may kahalikan siyang babae. Noong una, hindi ako naniniwala sa mga rumors tungkol sa kanya pero ngayon, kitang-kita ng dalawa kong mata. Kinompronta ko siya kinabukasan.
"Edward, tapatin mo nga ako. May iba ka bang babae bukod sa akin?"
"Saan mo naman nakuha ang ideyang yan?"
"Actually, nakita kita kahapon sa likod ng gym na may kahalikang ibang babae. Say... ano ba talaga ako para sa'yo?" He sighed.
"You know what? Pagod na ako sa ganitong klase ng usapan. Palagi ka na lang nagdududa sa'kin. Mas naniniwala ka pa sa ibang tao kaysa sa akin."
"Paano naman ako hindi magdududa, eh kitang-kita ko ang ebidensya."
"To tell you the truth, hindi ako naging masaya sa relationship natin. Nakakasawa na kasi eh."
"Then why are you continuing this relationship?"
"Because you're popular. Syempre, dagdag popularity ko rin yon." Naluluha man ako, sinampal ko pa rin siya ng ubod ng lakas. Nagulat siya sa ginawa ko.
"Kulang pa yan para sa mga kasalanan mo. I'm breaking up with you! Sana, layuan ka na ng mga babae, jerk!" Tinadyakan ko pa siya ng ubod ng lakas bago ako umalis. Mula noon, isinusumpa ko na ang mga playboy na kagaya niya. I never even have a contact with him until now.
*PRESENT*
"Mukhang nakalimot ka na yata?" Pilit ang ngiting ibinigay ko sa kanya.
"Please, Selena, forgive me. Matagal na yon."
"Gaano na nga ba katagal? 6 months? 7? o baka naman 8 na? Bakit tandang-tanda ko pa?"
![](https://img.wattpad.com/cover/353864-288-k162586.jpg)