A/N: Sorry for the very late update. Bilang kapalit, dalawang chapter po yung iuupload ko. Hope you like it. Medyo hindi nakakakilig 'tong chapter na 'to para sa akin. Anyway, salamat sa patuloy pa ring pagbabasa nito.^_^
________________________________________________________________________________
Stephanie's POV
Dahil sa ginawa kong pagpapadulas kanina sa railings ng hagdan, nahuli ako ng pinakamasungit na guro sa high school at pinagalitan ako. Bilang parusa, binigyan niya ako ng listahan ng sampung librong dapat kong gawan ng book report at inutusan niya akong kunin ito sa library. Actually, first time kong pumasok sa library ng school namin. Marami-rami rin palang estudyanteng pumupunta rito.
Haizz... Wrong timing talaga yung teacher na yun! Nakakatamad pa namang gumawa ng book report. Madali ko namang nahanap yung mga libro at inilagay ko iyon sa mesang malapit sa bintana. Ang kakapal pala ng mga librong yon. Hm... mukhang kakailanganin ko ng tulong dito.
Kasalukuyang hinahanap ko ang panghuling libro sa listahan ko nang may nakita akong naghahalikan sa pupuntahan ko sanang bookshelves. Lumipat agad ako sa kabila nun nang makita ko sila. Hay naku... kahit saan talaga, maraming nag-p-PDA. Nakita ko naman yung panghuling libro, ang kaso lang, nasa pinakaitaas ito ng bookshelf. Kainis! Pati ba naman itong lugar na 'to, inaasar ako. Tinangka kong abutin yung libro pero as expected, hindi ko abot yon. 5 feet lang kasi ako. Wala naman akong makitang hagdan na pwede kong akyatin. Susukuan ko na sana ang pagkuha ng librong yon nang may biglang kumuha nun.
Ay naku! Naagawan pa tuloy ako. Nilingon ko siya upang makita ko kung sino ang lintek na umagaw ng libro ko. Natulala ako nang makita ko siya.
"Here." wika niya sabay-abot nung libro sa akin. OMG! Si Miguel! Ano kayang ginagawa niya rito? Ay! Ang bobo ng tanong ko. Malamang magbabasa siya rito. Kinuha ko ang libro sabay-nagpasalamat ako sa kanya.
"Mukhang hindi na sila makapagpigil ah." natatawang wika niya na ang tinutukoy ay ang mga naghahalikan na nakita ko kanina. Unknowingly, nag-blush ako sa sinabi niya. Mabuti na lang at hindi niya yon napansin.
"Ganyan siguro kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Kahit saan handa mong ipakitang mahal mo siya." tanging nasabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit yon ang lumabas sa bibig ko. Tumango-tango lang siya sa sinabi ko.
"Pumupunta ka rin pala sa ganitong lugar?" nakangiting tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa table ko. Kung ibang tao siguro ang nagsabi nun, malamang kanina pa ako nagalit dun. Dahil sa sobrang cuteness niya ay hindi ko magawang mainis man lang sa kanya.
"Well... nagkataon lang naman na nautusan akong kunin ang mga librong ito."
"Ganun ba?" amused na tanong niya. Feeling ko, hindi niya inaasahang nauutusan pala ako. Well... wala naman kasi akong choice eh. "Akala ko pa naman, mahilig ka ring magbasa gaya ko."
"Um... nagbabasa rin naman ako paminsan-minsan." Kapag nasa mood ako o kaya naman ay trip ko yung story.
"Anong klaseng libro naman yung binabasa mo?" tanong niya. Mukhang interesado siya sa mga bagay na ito.
"Um..." Ano nga ba? Bahala na nga. "Action and adventure books?"
"Wow! Mahilig din ako sa ganyang genre." Wow! Ang galing kong manghula. Siguro, meant-to-be kami. Kinilig ako sa naisip ko.
"Talaga? Kapag may nabasa akong maganda, ipahihiram ko kaagad iyon sa'yo." sabi ko. He smiled again and thanked me. Hay... kahit hindi naman talaga ako mahilig magbasa, basta't para sa'yo, gagawin ko ang lahat para lang mapalapit ang loob mo sa akin.