A/N: Thank you sa lahat.XD Anyway, pasensya na po kung maiikli lang yung mga chapters. Hahabaan ko next time. Promise. Nga pala, in-edit ko po yung chap 13. Pabasa na lang po uli. Konti lang naman yon. ^_^
______________________________________________________________________________
Kasalukuyang nagre-relax si Sam sa may orchard. Nakaupo siya sa ilalim ng isang puno habang tumutugtog ng kanyang gitara nang biglang sumulpot si Joseph.
"Sam?"
Hindi siya pinansin nito. Nagpatuloy lang ito sa pagtugtog kaya lumapit si Joseph.
"Sam?"
Hindi pa rin siya pinansin nito kaya umupo siya sa tabi nito. Sa ikatlong attempt na pagtawag niya rito, mas nilakasan niya pa iyon.
"Sam!"
"What?"
Kung hindi siguro sila magkaibigan, kanina pa siguro nanginig sa takot si Joseph sa klase ng pagtingin sa kanya ni Sam. Huminga muna siya ng malalim bago siya muling nagsalita.
"Kapag niligawan ba kita, papayag ka?"
"Hindi."
"Bakit? Dahil ba kami ng kapatid mo?"
"Hindi."
"Eh bakit nga?" Tumigil na sa pagtugtog si Sam at hinarap siya.
"Bakit gusto mong malaman?"
"Wala lang. Gusto ko lang malaman. So... ano na?"
"Ayoko sa mga hindi tumutupad sa usapan."
"Kailan pa ako hindi tumupad sa usapan?"
"Lagi kang late."
"Ah... yun ba? Eh paano kung hindi ako ganun? Papayag ka?"
"Hindi."
"Hindi na naman! Ano namang dahilan mo ngayon?"
"Di kita type."
"Ayaw mo sa gwapo, matalino, malakas at mayamang katulad ko?"
"..."
"Eh ano bang type mo?"
"Yung kabaligtaran mo."
"Si Miguel?"
"Pareho kayo nun."
Pagkasabi niya nun, kinuha niya ang kanyang gitara at tumayo sabay-lakad palayo sa kanya. Nasundan na lang ni Joseph ng tingin si Sam.
....................................................................................................................................
"Hey Sam! Ang init yata ng ulo ni Seph ngayon. Alam mo ba kung bakit?" tanong ni Miguel. Nagkibit-balikat lang si Sam.
"Baka naman ikaw yung dahilan?" tanong pa rin niya habang tinitingnan niya ng mabuti si Sam.
"Hindi." wika ni Sam sabay-labas ng room nila. Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng tanungin siya ni Joseph ng kung anu-ano. Sinundan siya ni Miguel. Nakasalubong nila sa hallway si Selena.
"Hi Sam, Miguel! Nandyan pa ba si Seph?"
"Oo pero wag mo munang masyadong kulitin ah." -Miguel
"Ha?"
"Mainit kasi yung ulo niya eh. Hindi normal yun. Baka naman may ideya ka kung bakit siya nagkakaganun."
"Ah... eh... wala eh. Ako nga dapat ang uminit ang ulo eh."
"Bakit naman?"
"Hindi na naman niya ako sinipot kahapon! Namumuro na talaga yon sa'kin."
"Na naman? Wow... Ano kayang nangyari?"
"Malay ko."
"Ahm... Wag niyo na lang munang pag-usapan ang bagay na yan. Baka kung ano pang mangyari na pagsisisihan niyo sa huli."
"I'll try. Wala naman akong balak makipag-away sa kanya eh."
"Sige. Una na kami."
Umalis na sila Sam at Miguel. Nadatnan naman ni Selena si Joseph na nakaupo sa isa sa mga chairs sa room nila. Nilapitan niya ito at niyakap. Hindi man lang ito nag-react sa kanya.
"Seph... May problema ka ba?"
"Hindi ko alam."
"Pwede ba naman yon? Kung anumang bumabagabag sa'yo, sabihin mo lang sa'kin. Makikinig naman ako eh."
"Yon nga ang problema ko eh. Hindi ko alam kung anong nangyayari."
"Parang ang gulo yata?"
"Kahit ako, gulong-gulo na. Hindi ko na alam kung paano ko pagsasabayin ang mga priorities ko. My family, my studies... ikaw."
"Naapektuhan na ba ng relationship natin ang studies mo? Bumaba ba yung mga grades mo?"
"Hindi naman."
"Teka! Di ko yata maintindihan yung mga sinasabi mo." Kumalas si Joseph sa kanyang pagkakayakap at humarap sa kanya.
"Sel, I'm sorry about yesterday. Inatake kasi ng hika yung ate ko eh."
"Huh? Di ba wala namang hika yung ate mo?"
"Dati, oo pero bigla na lang siyang sinumpong kahapon at kinailangan naming isugod siya sa ospital." Napaupo si Selena.
"Seph... This is getting weird."
"What do you mean?"
"Hindi ito ang unang beses na hindi ka sumipot sa date natin. At lagi na lang family mo ang dahilan nun."
"Then?"
"Hindi na maganda ang nagiging pakiramdam ko sa relationship natin. I get what you mean. Masyado nang nagiging komplikado ang lahat. Hindi na nga maganda ang takbo ng relationship na 'to."
"So...?"
"I think we need to give each other a space."
"You mean, you want a cool off?"
"Um... yes pero pansamantala lang naman yon hangga't ----"
"Akala ko ba, naiintindihan mo ako?"
"Oo nga. Kaya nga binibigyan kita ng space. Para maayos mo yung mga priorities mo. Kapag free ka na sa mga problema mo, saka na lang tayo bumalik sa dati."
"Kagaya ka rin pala ng ibang babae. Gusto niyo lahat ng atensyon namin sa inyo lang."
"Hindi naman sa ganoon kaya lang----"
"Para saan pa ang pamomroblema ko kung ganun lang din ang kahahantungan natin?"
"Seph---"
"I think we should already break up tutal dun din naman hahantong ang cool off na 'to." Napatayo si Selena at hinawakan niya ang mga kamay ni Joseph.
"Seph, wag ka namang ganyan." Tinanggal niya ang mga kamay ni Selena sa kanya at umupo muli. Umiwas siya ng tingin kay Selena.
"Sel, you're letting me go. So I'm letting you go. For good."
"But Seph---!"
"Buti pa talaga si Sam, naiintindihan niya ako."
Mahina lang ang pagkakasabi ni Joseph nun pero dinig na dinig iyon ni Selena. Hindi niya napigilan ang kanyang kamay at dumapo iyon sa pisngi ni Joseph.
"Kaya pala! Eh di magsama kayong dalawa! I'm breaking up with you!" sabi niya sabay-walk out. Naiwang mag-isa sa room si Joseph, tila nawalan na ng gana sa buhay.
![](https://img.wattpad.com/cover/353864-288-k162586.jpg)