JOSEPH's POV
Nandito ako ngayon sa school garden, nakaupo sa isa sa mga bench doon, nag-e-emo. Dito ako dinala ng mga paa ko. How long has it been since she broke up with me? 2? 3 days? It seemed like eternity to me. Parang wala na akong ganang mabuhay.
Alam kong nagkamali ako. Nagpadala ako sa init ng ulo ko. Ilang beses ko rin namang tinangkang kausapin siya. Pero lagi niya akong iniiwasan. Buti pa siya kaya niya akong tiisin. Eh ako? Parang mamamatay na ako sa bawat segundong lumilipas.
Hindi lingid sa kaalaman ko na nakamasid sila Miguel at Sam sa'kin. Ilang beses na rin akong tinangkang kausapin ni Miguel pero wala talaga ako sa mood na makipag-usap sa kahit sino. Mula rito, naririnig ko ang pag-uusap nila.
"Tingnan mo si Seph, mukhang nasisiraan na ng ulo. Ano bang nangyari?" tanong ni Miguel. Nagkibit-balikat lang si Sam. "Kausapin mo kaya."
"Bakit ako?" -Sam
"Kinausap ko na siya, di ba? Pero kinausap niya ba ako? Hindi."
"..."
"Sa'yo lang naman nakikinig yon eh."
Hindi na muling nagsalita si Sam. Since tahimik na yung lugar, bumalik na uli ako sa pag-e-emote ko. Hindi ko mapigilan eh. Nangungulila na ako sa kanya. Baka nga may iba na siya.
"May kasamang lalaki si Sel."
"Saan?!"
What?! Bigla akong napatayo at iniligid ko ang paningin ko sa buong lugar. Wala naman si Sel. Tiningnan ko kung sino yung nagsalita.
"Yan ang mangyayari kapag nagpatuloy kang ganyan."
Nasa tapat ko na pala si Sam. Ni hindi ko man lang napansing lumapit siya sa'kin. Nababasa niya kaya ang isipan ko? Hindi naman siguro.
Now that I'm looking at her, mas nararamdaman ko ang sakit na pilit kong itinatago sa lahat. Napayakap na lang ako bigla sa kanya at ibinuhos ko sa kanya ang lahat ng kinikimkim kong emosyon.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakipag-break na sa'kin si Sel at ayaw na niya akong makita. Akala ko kakayanin ko pero hindi pala." Hindi nagsalita si Sam kaya nagpatuloy ako.
"I tried to apologize pero ayaw niya akong harapin. I know this is entirely my fault. Ano bang dapat kong gawin para bumalik siya muli sa'kin?"
Napapaluha na pala ako. Woh! Sa harap pa ni Sam. Pero hindi ko mapigilan. Naramdaman ko na lang na hinahagod niya ang likuran ko. So she knows how to comfort someone. Hinarap niya ako at pinahid niya ang mga luha ko. She's so... gentle.
"Hayaan mo munang lumamig ang ulo niya."
By her simple gestures, she touched my heart. She partly eased my aching heart. Kahit cold and cruel ang descriptions ng iba sa kanya, lagi naman siyang nandiyan sa tabi mo sa oras na kailangan mo siya. Napangiti ako at sa sobrang tuwa ko, hinalikan ko siya sa cheeks. Bahala na.
"Hulog ka talaga ng langit sa'kin, Sam!" Tumango lang siya. Niyakap ko siya uli.
"Hoy! Liable for sexual harassment ka na." Extra talaga 'tong si Miguel. Once in a lifetime na nga lang 'to eh. Binitiwan ko na si Sam.
"Inggit ka lang."
"Inilalayo ko lang si Sam sa mga big bad wolf."
"Gwapo naman."
"Tsk tsk. Mukhang ayos ka na ah."
"Medyo lang naman. I've already taken my medicine so malapit na akong gumaling." Kinindatan ko pa si Sam pero as usual, walang epekto ang charms ko sa kanya. Ang taas talaga ng charm tolerance nito.
"Matagal-tagal na rin tayong hindi nakakalabas ng sama-sama." -Miguel
"Hm... oo nga. Gusto niyong mag-bar?" -ako
"Hindi umiinom si Sam."
"Sabi ko nga. Kumain na lang tayo. Treat ko."
Kaya ayun, lumabas na kami ng garden para pumunta sa aming destinasyon. Paglabas namin, nakita ko si Sel at ang kaibigan niya. Hindi ko makita yung mukha ni Sel dahil nakatalikod siya sa'min at nakayakap siya sa kaibigan niya. Ano kayang nangyari?
"Hoy! Pwede bang kahit ngayon lang ay wag mong pansinin si Sel? Break na naman kayo, di ba?" -Miguel
"Ngayon lang yan. Magkakabalikan din kami."
"Sabi mo eh. Since hindi pa kayo nagkakaayos, baka naman pwede nang tumuloy tayo?"
"I know."
I gave her one last look bago kami tumuloy sa aming destinasyon. Sa isang restaurant malapit sa campus namin kami pumunta. Mabuti na lang at kaunti lang ang mga nandun. Umupo kami malapit sa glass wall at umorder na kami. Mabilis namang nakarating yung order namin.
"Mukhang seryoso ka talaga kay Selena ah."
"Of course."
"Good for you. Basta suportado namin kayo ni Sam." Tiningnan namin si Sam. Busy lang siya sa pagkain. "Kahit walang sabihin yan, siguradong approve ka niyan para sa kapatid niya."
"I know."
Hindi na kailangan pang sabihin ni Miguel yon. Dahil kung hindi sang-ayon si Sam sa'min, sana noon pa lang ay may ginawa na siya. Siya ang klase ng taong hindi mo mapipilit na gawin ang gusto mo kung ayaw niya.
"So... paano mo siya mapababalik sa'yo?"
"Just wait and see. I-i-inform ko na lang kayo kung kailan ko gagawin yon."
Sana lang, gumana yon. Nagkaroon kami ng mahaba-habang kwentuhan dahil nga matagal-tagal na rin kaming hindi nakakapag-bonding ng ganito. Syempre, nakikinig lang sa'min si Sam. Matapos naming kumain, dumiretso kami sa mga arcade shops. Nakaka-miss din ang ganito.
"Talo na naman ako." -Miguel
"Syempre, magaling yata ako." -ako
"Talaga lang ah. Eh di kayo naman ni Sam ang maglaban."
Of course natalo ako kay Sam. Hindi ko nga alam kung saan niya napulot ang galing niya sa mga ganitong bagay. Gabing-gabi na nang mapagpasyahan naming umuwi na. Inihatid namin si Sam sa kanila.
"Bukas na lang uli, Sam." -Miguel
"Oo nga. Good night." -ako
Tumango lang siya sa'min at pumasok na sa kanila. Paliko na kami sa kanto nang may dumaan na kotse sa'min. Wow! Lamborghini Reventon yon ah! Sinundan namin iyon ng tingin. Tumigil yon sa tapat ng bahay nila Sam. Kanino naman kaya yon?
May lumabas na lalaki doon. Mukhang familiar siya. May inalalayan siya palabas. Isang babae. Si Sel? Bakit nasa labas pa siya ng ganitong oras? At sino yung lalaking kasama niya?
Saglit pa silang nag-usap bago pumasok si Sel sa kanila. Mukhang masaya siya. Pagkapasok ni Sel saka naman umalis yung lalaki. May unti-unting bumabangon na damdamin sa puso ko. Ito na ang pinakakinatatakutan ko. Ang magkaroon ng ibang lalaki si Sel.
"Seph, ok ka pa?"
"Oo." Sana.
"Walang relasyon sila."
Sana nga lang. Dahil umaasa pa rin akong magkakabalikan kami. I looked at their house once more bago kami dumiretso ni Miguel sa ming kani-kaniyang bagay. Maaayos din ang lahat. Sana.