A broken Family

4.4K 60 14
                                    

Noong bata pa ako, tila di na maipinta ang mukha ko sa saya. Sapagkat maayos at kumpleto ang aming pamilya, palagi kaming naglalaro ni papa, at palagi naman kaming nagbobonding ni mama, apat na taong gulang pa lamang ako noon kaya naman siguro hindi ko napapansin na sa loob ng walang humpay na saya namin ay isang magulo at di maintindihang alitan ng mga magulang ko. Ng makalipas ang tatlong taon, doon ko nalaman lahat ng arguments at away nila mama at papa. Masakit, napakasakit. Napakasakit at nakakatouch. Napakasakit kase hindi manlang nila napaalam sakin kung ano ang tunay na nangyayari. Nakakatouch kase sa lahat ng pag aaway nila, nakuha parin nilang ngumiti at magsaya para lamang saakin. Walong taong gulang na ako, at nagdesisyon na si mama na ipaalam saakin lahat. Naging open sya saakin. Naintindihan ko lahat, kaya naman kailangan kona mag adjust para naman hindi na sila mahirapan sa pag aalaga saakin. Makalipas ang tatlong taon, bihira na mag away ang mama at papa, kaya naman lubos ang aking tuwa. Gagraduate na ako ng grade 6 noon at nangako saakin ang mga magulang ko na sila ang magsasabit ng medalya at magkakabit ng ribbon sa aking toga. Mas lalo ko itong ikinatuwa dahil nangako pa ang papa na bibigyan nya ako ng mahigpit na yakap. Kaya naman nung graduation itinanghal akong top 5 sa aming klase na mas lalo namang ikinatuwa ng aking magulang. Ngunit ng tawagin ang aking pangalan sa entablado, tila ang mama ko lamang ang nagpakita at tuwang tuwang nagsabit ng medalya sa akin. Ayoko namang umiyak dahil napakarami ng tao, kaya naman noong pauwi saka ko ibinuhos lahat ng sama ng loob ko. Sa sobrang pagmumukmok ko bigla na lamang sumakit ang puso ko at tila nahirapan akong huminga. Kaya naman dali dali akong inihatid ni mama sa ospital. Nang akoy magpacheckup hindi pa tiyak ng doctor kung ano ang aking sakit. Marahil bata pa ako. Pero ang ikinatatakot ko ay baka may sakit nga ako sa puso dahil nasa lahi nila mama ang may sakit sa puso. Nirekomenda saakin ni mama na magbakasyon muna kami para makalimot. Nang makauwi kami galing bakasyon, tila hindi maipinta ang mukha namin ni mama dahil nakita namin si papa na may kasamang ibang babae na syang tuwang tuwa pa habang kausap si papa. Napaiyak na lamang kami ni mama at nagkunwaring hindi namin alam. Bakasyon na non, ngunit hindi ko ito maranasan dahil gabi gabi akong umiiyak at tinatanong ko ang sarili ko "Bakit kailangang ipagpalit kami ni papa? Hindi paba kami sapat?" Sabay iyak sa aking kwarto ng walang nakakaalam, hindi rin nagtagal, naghiwalay na ng bahay sina mama at papa, nahihirapan ako dahil tuwing uuwi ako kila mama sinasabihan ako palagi ni papa na sa kanila ako umuwi, gayon din ang wika ni mama, sa kasalukuyan ay hindi na masyadong nagkakaroon ng alitan sina mama ngunit malungkot parin dahil hindi kamit kumpleto.

Nagustuhan nyo po ba ang story? :)
Please follow me kung gusto nyo pa po :)
And vote narin po kayo :)

Thankyou for reading! Please also read my other works! Like WHY CAN'T I SAY THAT I'M INLOVE? Maganda ang story nayan. ❤️

Hi guys! Thankyou for reading and supporting this story. Please follow me and check out my new story called "Once Best of Friends" hope you guys will read it. Thankyou! 😉

BROKEN FAMILYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon