A Broken Family : Chasing Dreams, Avoiding Problems

726 23 2
                                    

Tapos na ang school year. Pero nasa isip kona agad kung ano ang kailangan ko gawin ngayong pasukan.  Kailangan ko makapasok sa Top 3 para naman hindi sayang ang tuition fee na binabayad saken. Nag isip isip narin akong lumipat sa public school. Para iwas sa gastusin. Kasi alam ko na nagiipon sila mama at lola, para sa opera nila sa puso nila. As I said, lumalaki ang puso ni mama, habang may butas naman sa puso si lola. Kaya habang bata pa ako, pinapaexercise na nila ako para daw hindi kona makuha ang sakit nila. Pero ngayon palang nakakaramdam na ako ng pananakit ng dibdib ko kapag may matinding emosyon saakin.  Para naman makatulong magtipid, pumupunta ako kila papa paminsan minsan para makabawas sa bayarin.  Syempre kailangan ko tiisin ang mga pangungutya nila. Na tamad ako, na para akong prinsesa matulog, at kung ano ano pa. Hindi kasi nila alam ang sakit ko na Anemia. Kaya sumusunod nalang ako sa kanila. Dahil kapag nalaman nila, sigurado magkakagulo nanaman at sasabihan nila sila mama na "pabaya" saakin.  Idagdag mopa sa gastusin ang kapatid ko. 3 years old lang siya, 
Pero kahit hirap na hirap na si mama sa mga gastusin, nakukuha parin nya na ngumiti at makipag bonding saakin. Parang ate na nga rin ang turing ko sakanya.





Enjoyed this part? 😆. Please vote for this story 😂 as soon as I get 1000 views I'll publish part 7! 😂😆 thankyou! 😊

BROKEN FAMILYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon