A Broken Family : Never Giving Up

959 19 0
                                    

Sa dami ng problema ko, bilib din ako sa sarili ko na hindi pako gumigive up. Sabi nga nila. Magpakatatag ka. Kaya kahit ganito. Isinasantabi ko muna ang mga problema ko, dahil alam ko na kailangan kong pag butihan ang aking pag aaral. Kahit may nararamdaman ako na hindi maganda, go lang! Syempre YOLO :D.

Magtatapos na ang school year na ito. Tuwang tuwa ako ng makita ko ang pangalan ko sa listahan ng may mga honors. Masaya na ako sa top 6 dahil pinaghirapan ko naman yun. Kaya naman nagcelebrate kami ng mga classmate ko sa isang mall. Kumain kami ng mga masasarap na pagkain dahil nairaos namin ang aming sarili sa isang buong year ng pag aaral. Syempre hindi maiiwasan ang mga beverages like softdrinks. Kaya habang umiinom ako ng softdrinks, nakakaramdam ako ng sakit saaking tagiliran. Laking pagtataka ko dahil, hindi naman ito kasama sa sintomas ng Anemia. Pati rin sa aking UTI. Nagkaroon kasi ako dati. Pero tuwing kakain ako ng mga pagkain sa kalye ay tila sumasakit ang tagiliran ko, suggestion naman saakin ulit ng kaibigan ko na magaling sa
Agham ay "bawas bawasan mona ang mga yan. Lalo na yung mga alam mong nakakasakit sa tagiliran mo." Hindi niya sinabi saakin kung ano iyon pero alam ko na may mali talaga.

Iniwasan ko narin ang pagpapacheckup dahil naubos na ang allowance ko. Ayaw ko rin naman sabihin sa mga magulang ko, dahil parehas silang may sakit sa puso nila lola. Kaya naman ingat na ingat ako kapag kasama ko sila.

Marami man akong dinadaing na problema ngayon. Alam ko malalagpasan ko rin lahat ito.

BROKEN FAMILYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon