Ayun na nga. Nagkahiwa hiwalay na kami. Mahirap man ang buhay tiniis namin ni mama ang mga hirap. Pumasok na kasambahay si mama. At kasama nya ako na tumitira sa bahay kaya madalas ay natatanggal siya sa trabaho.
(Nakaupo kami ni mama sa gilid ng kalsada)
"Anak?"
"Ano po yun ma?"
Anak kung ayos lang sayo, dun kana muna sa kuya mo? Sabi ni mama.
"Kila papa po? Ma ayaw ko! 😢, kaya nga pinili kita eh. Tapos ibibigay mo lang ako sa kanila?" Sagot ko naman habang maluha luha.
"Hindi anak. Doon sa isang kuya mo." Mahinang sinabi ni mama.
"Ano pong sinasabi nyo ma? Hindi kopo kayo maintindihan." Sagot ko naman.
"Anak, hindi lang kayo ang pamilya ko. Pero wag ka mag alala. May mga trabaho na sila. Kaya hindi kana mahihirapan." Sinabi ni mama sabay yakap saken.Umiyak ako. Umiyak ako ng umiyak habang niyayakap nya ako. Pinili ko si mama kase, alam ko na kami lang ang mahal nya at wala ng iba pa. Hindi katulad ni papa. Pero nagkamali din pala ako. Habang nakasakay kami ni mama sa taxi, naiiyak ako pero pinipigilan ko at hindi ako nagsasalita kahit kausap nya ako. Nang makarating kami sa bahay na hindi naman kalayuan sa bahay namin dati. (Maybe 3 bayan lang yung layo.) Nagulat ako nang makita ko ang isang magarang bahay, at may sasakyan na nakapark sa gilid nito. Kumatok si mama at sinabi, Tao po! .
May sumagot at sumigaw "pasok! Hindi yan nakasara!"
Nagulat kami pero pumasok din kami. Pagbukas ng pinto ay nashock ako sa mga bumungad sa mata ko.
May isang lalaki na nanunuod ng TV habang nagiinom. Tapos meron namang babae na nagluluto na parang wala namang pakialam sa mga tao sa bahay. At may isang babae na sinasaway ang dalawang batang naglalaro habang naglilinis. At sinabi ng babae kay mama na, "oh, umuwi ka din, sino yan? Palumunin nanaman? Jusko naman ma! Minsan ka na nga lang umuwi eh. Magdadala kapa ng problema dito?" Sabi nya kay mama. At agad namang sinabi ni mama
"Hoy! Ayusin mo yang pananalita mo ha! Kung hindi dahil saken hindi ka titira sa ganitong bahay!". Hindi naman sumagot ang babae. At pinatuloy kami nung nagluluto na babae.
Pagkatapos namin kumain, sabi ni mama sakin na
"Dito ka lang ha? Magtatrabaho lang si mama."
Syempre hindi parin ako makareact. Hindi ako makasagot kaya umalis sya at hinalikan muna ako bago umalis.Enjoying the story? Please follow me and vote for this story and I'll publish part 3! 😊😊 thank you! 😊☺️😁
BINABASA MO ANG
BROKEN FAMILY
RandomA friend of mine just inspired me to write this story. enjoy :)