BREAK UP 20: Revelations for a change

37 4 0
                                    

"She's deadly hot. Anong oras na ba syang ganito?" Nagpapanic na ang buong katawan ni Koji. Ang una nyang naisip gawin ay ang tumawag ng magbubuhat kay Pam papunta sa unit nila. Hindi nya maaaring dalhin ito sa ospital dahil mainit pa sila masyado sa mata ng media. Hindi padin kasi natitigil ang showbiz story about sa kanila kaya hindi siya dapat maging visible sa tao pag ganito ang kalagayan ni Pam.

Finally, naiakyat na si Pam sa unit nila with the help of condotel's keepers at ng isang guard.Secured silang nakapasok sa unit at ng dahil doon ay binigyan sila ni Koji ng tig iisang libo for their tip na ipinagpasalamat naman ng mga ito.

Sa kwarto ni Koji nakahiga ngayon si Pam.

Mas tumataas ang temperatura ng dalaga. Kumuha si Koji ng towel at panandaliang binanlian ito ng malamig na tubig saka pinigaan at pinatong sa ulo ni Pam. Hindi nya inaalis ang kamay nya sa towel para hindi ito mahulog kung sakali. Habang ang isang kamay naman nya ay nag dadial sa number ng kambal nyang kanina pa out of reach. Sinubukan na nyang tawagan ito sa elevator palang pero hindi ito macontact at naisip nya nalang na baka wala lang signal sa area kaya ganun pero ngayon, nakailang redial na sya, puro lang ring ang naririnig nya.

"Shit. Bakit napaka init mo?" Madaling inalis ni Koji ang towel na kanina lang ay basang basa sa noo ni Pam. Pero ng tanggalin nya ito, parang dinrayer ang towel na pinangpatong nya. Sobrang init talaga ng dalaga.

"WHAT THE FUCKING TEMP DO YOU HAVE?MY BED MIGHT GET BURN. WAKE UP AND TELL ME WHAT SHOULD I DO TO YOU. Wake up. Hindi ka talaga nakakatuwa."

Hawak hawak ni Koji ang mga kamay ni Pam at nagsimula ng tumulo ang luha nya dahil sa panic, frustration, guilt, worries, and hindi man nya aminin, natatakot sya sa mangyayari pag hindi sya kumilos. Hindi nya alam ang gagawin. Never pa syang nakapag handle ng ganitong sitwasyon sa tanang buhay nya sa pagkanta at pag aartista. Basta ang alam nya lang ay pogi sya at kumikita sya ng pera and that's the end of the story.

Pam started shaking. Natatakot si Koji sa nangyayari kay Pam kaya dali dali nyang tinawagan ang kung sino mang malapit sa kanya. He dialed Gray's number na may titang doctor na baka sakaling pwede for this emergency. 10pm pa lang naman.

"Gray, tulungan moko. Si Bansot. Hindi na regular na humuhinga. Bullsh.t this. I don't know what I'm gonna do."
(Ok. Just calm yourself. I'll call Tita Ellen. I'll hung this for a while. Pupunta na din ako dyan.)

Kumalma si Koji ng 2% sa sinabi ni Gray pero nung nakita nyang nagdudugo na ang ilong ni Pam, natulala na sya ng tuluyan. Its just a minute nung dumating si Gray at dalidali itong nakapasok dahil naiwang bukas ni Koji ang pinto sa sobrang panic. Umakyat agad ito sa kwarto ni Koji para icheck ang aktwal na pangyayari but Gray went nervous too when he saw Pam lying with blood running out of her nose.

Patuloy nilang pinunasan ng basang towel si Pam. Hindi sila tumigil sa pagbabasa at pagpupunas ng towel ni Pam na halos mamatay na sa sobrang init.

"Pammy. Wake up. Andito kami ni Koj oh. Gising.You need to wake up before the doctor arrives." Gray keep saying that while checking Pam's temperature with his cellphone. Hightech kasi cellphone nya. May app na pwedeng mag measure ng body temp.

"She's fucking 43.4 degree cel. Koj. This is not so usual. Ano bang nangyari?"

"I know. I know. We went strolling around the plaza then we had a petty fight before going home and pag uwi namin hindi ko na sya magising."

"So is it possible na habang nasa byahe kayo, wala na syang malay?" Gray asked. Koji just looked away and that reaction just showed that Gray had a right hypothesis.

*BRRRRT.BRRRRRT*

"That's Tita Ellen for sure." Dalidaling binabaan ni Gray ang Tita nya habang si Koji ay patuloy sa pagpunas kay Pam. Kahit paano ay tumigil na din ang pagdudugo ng ilong nya pero who knows? Baka worst na ang nangyayari inside her body so hindi sila dapat makampante.

AFTER HIS BREAK UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon