BREAK UP 36: BFGF

35 2 0
                                    

It's been a month since engagement namin ni Koji. Sometimes, it's still so hard to tell na kami na ang pinagkasundo hindi lang ng mga magulang namin, kundi pati nadin ng tadhana.

"Ugh. Antagal mong babae ka. Hindi porke may gusto ako sayo eh pag hihintayin mo na ako ng sampung minuto dito. Reypin kaya kita ?"

"Now na ba ?"

"Yeeee. Bakit ? Excited ka ?"

"OO. Excited na akong tumawag ng pulis."

"Haayss.=____="

Sumakay na kami ng kotse nya dahil susubukan naming magdate. Actually, ilang try natong pagdedate namin pero nauuwi kasi sa pagiging failed eh. Nagkakaemergency kasi lagi.

"Saan mo gustong pumunta ngayon Hoh-ney ?"

"Eeee. Itigil mo nga sabi yang tawag mong yan ?"

"Eh anong itatawag ko sayo ?"

"Tss. Dati dati lang halos hindi mabilang yung tawag mo sakin na ipinapalit mo sa pangalan ko tapos ngayon nangangamote ka ? Anu yun ? Nag aattempt kang magjoke ? Nice try."

"Pakyu ka Bansot. "

"Yan ang gusto ko. Hahahaha."

Natawa nalang din sya habang nagdadrive.

"Seryoso nga ako, saan mo gustong pumunta ?"

"Sa tabing dagat."

"Oh ? Kunsabagay, summer naman na."

"Pero gusto ko sa walk in sea side lang huh. Sa SC bay nalang tayo pumunta."

"Masusunod. Tss. Hindi ko nadin gustong mag mall. Ang daming intrigero at intrigera." Sabi nya. Tss. Totoo yun. kahit lalaki hindi na pinapalampas yung tsismis saming dalawa. Kaya mas ok na kaming mag tago ng ganito sa publiko.

Pag dating namin sa sea side, nag lakad lakad lang kami. KOnti lang sobra yung tao at may maganda kaming pwestong naupuan.

"Bansot. I love you."

O____O

Hanggang ngayon, nagugulat padin ako pag sinasabihan nya ako nyan. Hindi ko naman masagot sagot. Nakakakonsensya nga eh.

"Hayaan mo lang akong sabihin ng sabihin yun sayo. Hindi ako nag aantay ng kahit anong sagot. Gusto ko lang talaga sabihin yun sayo. I love you ulit.Tehehe." Inakbayan ako ni Koji at natulala na lang kami sa ganda ng ulap at araw sa ibabaw ng dagat.

Kahit naman sabihin nyang hindi sya nag aantay ng kahit na ano, ramdam ko namang nasasaktan sya kapag hindi ko sya nasasagot ng mga salitang gusto nyang marinig mula sakin. Ayoko kasing pwersahin ang sarili ko. Ayokong mag i love you too dahil lang sa gusto kong mapasaya ko sya. Sasabihin ko lang yung pag ramdam ko na talaga. Yun ang gusto kong mangyari.

"Mahal mo pa ba si Kary ?" I questioned him out of the blue.

"Yan ka nanaman. Syempre as a friend, oo.'' Simple nyang sagot.

"Ah."

"Maniwala ka, wala ng kahit ano samin. Wag ka na ngang doubtful masyado. Kaya ka nababansot eh." Pang aasar ni Koji kaya naman siniko ko sya.

"Wala ka talagang masabing matino."

"Tss. Eh ikaw ? Mahal mo na ba ako ?"

"Uy ! Cotton candies ! Koji. Buy me one." I demand at nag pout pa ako. He just kissed my forehead at tumayo na sya para bilhan ako nun. This is what we call, a perfect date. Ang sarap sa feeling. Ang maiwasan ang mga delikadong tanong. This is total relief.

AFTER HIS BREAK UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon