Hello II

1.9K 70 0
                                    

"Welcome back couz!!! Finally dumating kana rin pinsan kong 50/50." bati ng pinsan kong si Lesly.

"Ang O.A. mo couz! Makakanta ka wagas. Kinaganda mo ehh!!" sagot ko na may pag irap na kasama.

"Arte arte mo! Hahahhahah. Namiss lang kita, kasi naman 3years kang hindi umuwi."

"Pasensya kana kung dito muna ako makikituloy ah."

"Ano ka ba, oks lang. Sobrang happy ko kasi dito ka magspend ng sembreak ninyo."

Dito muna ako nakikituloy sa bahay ng pinsan kong si Lesly. Sariling bahay nya kasi ito at siya lang ang tumitira. Hanggang ngayon kasi single parin ang bruha.

"Hayyyyyyy! Namiss ko ang hangin dito. Di tulad sa Maynila, hihinga ka palang ikamamataay mo na." ani ko.

"Dito nalang kasi ulit kayo nila Tita. May university rin naman dito ehh. Sigee na, please?" pamimilit ni Lesly.

"Ano ka ba couz, masaya na kami dun nila Nanay."

***

Habang kumakain kami ng masarap na pansit Lucban na galing sa Buddy's.....

"Pinsaaaaaaaaaaaan!!!!!!! Kung di pa sinabi sakin ni Lelsly na andito ka hindi ko pa malalaman. Kainesh ka!" arte artehang sabi ng isa ko pang pinsan na si Marie.

"Arte mo. Hahahhaha. Kumain kana dito bilis, ng makagala naman tayo mamaya dito." ani ko.

"Tamang tama ang pag uwi mo pinsan. At Fiesta na dito sa makalawa."

"San pala tayo gagala mamaya?" ani ko.

"Sa may Tayabas Park couz. May mga stall dun ng ibat ibang pagkain at videoke para sa lahat." excited na sabi ni Lesly.

"At isa pa, Gabi ng Kabataan ngayon Ken. Halos lahat ng mga kabataan nandun mamayang gabi. Makikita mo ulit yung mga friends, dating classmates mo at patin narin si Romjdhsjskhdjsgshsjjskshdyhdhd"

"Ayy couz, pahinga kana muna. Gisingin nalang kita mamaya." ani ni Lesly. Agad naman akong nagtungo sa kwarto niya. Nakakapagod din ang byahe.

******

Please vote and comment po! Thankyou! :)))

Hello  (boyxboy)( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon