Hello III

1.6K 55 0
                                    


Lesly's P.O.V

"Ano ka ba naman Marie! Kahit kelan ang daldal mo."

"Grabe ka naman makasupalpal ng pansit sakin couz. May mali ba sa sinabi ko?" pikon na sabi ni Marie.

"Oo, may mali. Bakit kelangan mo pang banggitin si Romel? Alam mo naman na tapos na lahat sa kanila ni Ken diba."

"Sorry na! Di na mauulit."

Si Romel Rodillas nga pala ang ex boyfriend ni Ken. 4th year highschool sila ng maging mag-on sila. Naghiwalay din sila after graduation ng umalis sila Ken pa Maynila.

*****

Ken's P.O.V.

Boom! panes!

Boom Boom! Panes panes!

Boom! Panes!

Boom Boom! Panes panes!

Nagising nalang ako sa lakas ng soundtrip ni Lesly. Ang sarap pa naman ng tulog ko.

"Couz, lets go na! 6pm na oh, marami ng tao dun."

"Sigee couz magbihis lang ako." sagot ko na walang kabuhay-buhay.

*****

Naglalakad na kami Lesly ngayon papunta sa Tayabas Park pero may hindi maganda akong nararamdaman.

Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Siguro'y ngayon lang ulit ako napasyal dito. Pero may kakaiba talaga. Ang weird lang.

Naririnig ko na ang napakalakas na tugtog at marami narin kaming nakakasalubong na kilala ko at may mga nag peperform sa stage na mga kabataan.

"Couz, ayun sa medyo dulo oh may bakanteng pwesto." ani ni Lesly.

Agad naman kaming nagtungo dun at umupo. Napakaraming ngang tao dito dahil sa Gabi ng Kabataan na programa ni Mayor.

"Couz, bili lang muna ako ng pagkain ah. Para naman may mangatngat tayo. Hahahahha."

"Sigee lang couz, bilhan mo ko ng shake ah." ani ko.

Habang hinihintay ko si Lesly ay naglaro muna ako ng games sa cellphone ko dahil wala naman akong kausap.


Maya-maya biglang......

Hello  (boyxboy)( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon