Hello VI

1.4K 61 5
                                    

Romel's P.O.V.

Naisipan ko nga na kumanta nalang dahil wala ng ibang paraan para mapansin niya ako.

Pinili ko ang kantang magbalik para sapul na sapul siya.

Habang kumakanta ako ay pinagdadasal ko na sana ay tumingin siya.

Maya-maya pa ay tumingin na nga sya at ako naman nataranta kaya naman tumingin nalang ako sa iba hanggang sa matapos ang kanta.

"Pre ngayon lang ulit kita narinig kumanta. Ayos yang diskarte mo kay Ken!" tuwang - tuwang sabi ni Adrian.

"Salamat pre! Sana lang maramdaman nyang sya ang tinutukoy ko."

Tinuloy nalang namin ni Adrian ang pag inom ng beer habang nanood sa programa.

Ken's P.O.V.

"Magandang gabi ulit sa inyo mga kabataan ng Tayabas!" masiglang bati ng host ng programa.

"Nais ko lang magpasalamat ulit sa inyong pagdalo. Narito na ang Tanglaw dancers para pakitaan tayo ng kakaibang dance performance!" nagpalakpakan at naghiyawan na nga ang mga tao dahil narin sa mga gwapong dancers.

"At sa mga nais magperform, lumapit lang kayo sakin para magawan natin ng paraaan." dagdag pa niya.

Nagsimula na nga magsayaw ang Tanglaw. Hindi parin kumukupas ang husay nila at kakaibang dating ng grupo nila.

"Couz Ken, magperform ka kaya? Matagal ko naring di naririnig yang pagkanta mo eh."

"Huh? Nahihiya ako couz ehh." sabi ko rito.

"Sigee na couz, pagbigyan mo na ko. Please?"

"Osgee na! Puntahan ko na yung host." medyo pilit na sagot ko sa kanya.

"YESSS! Galingan mo couz. Lavya!"

*****

Romel's P.O.V.

Napakahusay talaga ng Tanglaw. Kakaiba ang mga dance moves. Walang ka kupas kupas.

Nakakailang beer na kami ni Adrian pero di parin ako tinatamaan. Iba talaga pag laking Quezon. Hahahah!

"Maraming salamat Tanglaw Dance Troupe. Napakahusay!" sabi ng host at lahat ay nagpalakpakan.

"At eto naman para bigyan tayo ng isang magandang awitin. Palakpakan po natin, Mr. Ken Rosales!" dagdag pa niya.

"Ano??!!" sabay pa kaming nagreact ni Adrian.

"Pareng Romel parang babawi si Ken sa performance mo kanina. Hahahahha!"

Hindi na naman ako mapakali sa kinauupan ko ng biglang nalang ako matutula ng magsalita siya.

"Goodevening po! Ang kanta pong ito ay Hello by Adele. Sana po ay magustuhan nyo." ani ni Ken.

After 3years, ngayon ko lang ulit narinig ang boses na paborito kong pakinggan mula noon hanggang ngayon.

( Hello by Adele)

Hello, it's me

I was wondering if after all these years

You'd like to meet, to go over

Everything

They say that time's supposed to heal ya

But I ain't done much healing

Sa bawat bigkas nya ng salita sa kanta ay para bang kinakausap nya ang puso ko.

There's such a difference between us

And a million miles

May kirot sa puso ko ang bawat salitang kanyang binibitawan. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko.

Hello from the other side

I must've called a thousand times to tell you

I'm sorry, for everything that I've done

But when I call you never seem to be home

Hello from the outside

At least I can say that I've tried to tell you

I'm sorry, for breaking your heart

But it don't matter, it clearly doesn't

tear you apart anymore.

Ngayon, sigurado na akong para sa akin ang kantang iyon. Humihingi sya ng tawad sa mga nagawa nya sakin noon.

Pero napatawad ko na sya. Kasi pag mahal mo ang isang tao, madali nalang gawin ang lahat ng bagay para sa kanya.

Malakas na palakpakan ang ibinagay sa kanya ng lahat, kasama na ako doon.

"Napakahusay parin talaga ni Ken." bulong ng isip ko.

******

Please vote and comment po. Thankyou! :)

Hello  (boyxboy)( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon