Hello IX

1.2K 55 0
                                    

Romel's P.O.V.

Ilang araw narin ang lumipas pero lutang parin ako hanggang ngayon.

Nakatulala na naman ako sa kisame at nag iisa.

"Ba't hindi nya ako sinipot? Wala na lang ba ako sa kanya?" tanong ko sa sarili ko.

May kailangan akong malaman. Dapat may gawin ako para mawala na ang gumugulo sa isip ko.

Bahala na...

*****

Ken's P.O.V.

Hayyy buhayyy. Andito nalang kami ni Lesly at nanunuod ng movies.

Ilang araw nalang kasi at babalik na ako sa Manila.

*Knock knock*

*Knock knock*

"Lesly, buksan mo na yung pinto. Wagas makakatok ehh."

Dabog na naglakad si couz papuntang pinto. Tinatamad kasi kaming kumilos ngayong araw na to. Hahahahha!

"Asan si Ken?!! Kelangan ko syang makauspa!"

"Ano ba Romel?! Umuwi kna! Wag ka nang gumawa ng gulo!." narinig ko na sigaw ni Lesly.

Bumaba na ako para malaman kung ano bang meron at kelangan pang sumigaw.

Nakita ko si Romel na papalit sakin at hindi na napigilan pa ni Lesly.

"Ken!! Sabihin mo nga sakin!! Sabihin mo sakin kung bakit mo ko iniwan!! Dahil hindi ko maintindihan!".

Natulala ako sa sobrang gulat at takot.

"Ano Ken?!!! Hanggang ngayon ba iiwasan mo ko?! Sabihin mo! May iba kna ba?! Sawa kana ba? Hindi mo na ba ko mahal?!!! Sabihin mo!!!"

"Oo! Hindi na... hindi na kita mahal!" galit na tugon ko.

"Ganun na lang ba yun kadali para sayo?! Ano yun, nagising kna lang bigla na hindi mo na ko mahal?!"

"Tangina naman Ken! Ano ba talagang nangyari satin?!!"

"Dahil ayoko na Romel! Ayaw ko ng masaktan dahil sa tatay ko at dahil sa papa mo!" pilit na sigaw ko sa kanya.

"Bakit? Anong meron kay papa?!!"

Flashback....

*beep*

Opening sms......

From Tito Rodger :

"Ken, punta ka dito sa court ng brgy. May sasabihin lang ako."

Agad naman akong nagpunta sa court para puntahan si Tito Rodger. Ngayon lang kaso sya nagtext sakin ng ganito.

Natanaw ko na sya kaya binilisan ko ang paglakad ko papalapit sa kanya. Ngumiti pa sya sa akin at bigla akong hinawakan sa kwelyo ng damit kong polo shirt.

"Bakit po Tito?"takot na tanong ko.

"Salot!" at naramdaman ko ang malakas nyang pagsuntok sa tiyan ko. Sinundan pa ulit niya ito ng dalawa pang suntok. "Salot ka talaga!".

Halos mamilipit ako sa sakit ng mga pagsuntok nya. "A-ano po bang po-problema Tito?"

"Ikaw!"isang malakas na suntok ulit sa tiyan ko ang kanyang pinakawalan. "Ang totoo, hindi ako masaya sa relasyon nyo ni Romel! Gusto kong magkaroon sya ng anak at sariling pamilya! At dahil sayong baklang salot ka mukhang malabo ng mangyari yun!" galit na galit na sabi ni Tito.

Hinawakan nya ang ulo ko at dinuro - duro ako sa mukha, "Kung ayaw mong masaktan ulit, iwanan mo na ang anak ko! Di kita titigilan!".

Ilang ulit pang ginawa sakin yun ni Tito Rodger. Tiniis ko lahat dahil mahal ko si Romel. Tinago ko lahat yun hanggang sa dumating ang puntong nagkasabay- sabay ang mga problema ko..

Pauwi na ako ngayon sa bahay galing sa pagkikita namin ni Tito Rodger. Malalakas na suntok na naman sa tiyan ko ang kanyang pinabaon sa pag uwi ko.

Gustong- gusto ko ng magpahinga para naman mabawasan ang sakit ng katawan at kalooban ko. Pero pagpasok ko sa bahay, isang eksena ang dinatnan ko.

"Ano bang balak mo sa buhay?! Kung puro babae nalang aatupagin mo aalis nalang kami dito ng mga anak natin." galit na sabi ni Nanay.

"Ang kapal din naman ng mukha mo na pagsalitaan ako ng ganyan! Ako ang nagpapakain sa inyo dito! At wala rin naman kayong titirahan pag umalis kayo sa puder ko." galit na litanya ni Tatay.

"Baka nakakalimutan mong may bahay ak--" bigla siyang sinampal ni Tatay at lumabas ng bahay.

Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko si Nanay na umiiyak dahil sa mga kalokohang ginagawa ni Tatay.

"Nak, ayusin ninyo na ng kuya mo ang mga gamit na dadalhin para makaalis na tayo dito."

Agad ko namang sinunod ang utos ni Nanay dahil matagal ko naring gustong umalis dito.

Ito narin siguro ang panahon para makalaya na ko sa mga sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko na inisip kung ano ang maiiwan ko dito sa Quezon. Tanging naisip ko lang ay panibagong buhay na sisimulan namin ni Nanay at Kuya sa Maynila.

"Kalimutan mo na si Romel! Mas may deserving pa sa pagmamahal na kaya nyang ibigay." yan ang paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko.

After graduation ng highschool ay agad din kaming lumuwas pa Maynila. Hindi ako nagpaalam kahit kanino, lalo na kay Romel.


Lumipas ang panahon at patuloy na nagmemessage sakin si Romel sa Facebook. Nagpalit narin ako ng number at wala ni isa sa Quezon ang nakakaalam nito pati na ang address namin dito sa Maynila.

Pinilit kong kalimutan lahat ng alaala ko sa nakaraan at nagising nalang ako isang araw na wala na akong nararamdaman pa para kay Romel.

End of flashback.

"Romel san ka pupunta?!" gulat na tanong ko.

"Kakausapin ko si Papa!!" agad syang tumakbo papalabas ng bahay.


Pipigilan ko sana sya pero , "Ken hayaan mo nalang muna si Romel na ayusin ang lahat." sambit sakin ni Lesly.

Niyakap ko nalang si Lesly ay patuloy na umiiyak.


"I loved him and let him go." umiiyak na sabi.


"Ginawa ko lang naman noon kung ano yung tama. Sinunod ko yung nasa isip ko at binalewala kung anong sinasabi ng puso ko."


"Couz, ngayon ko lang narerealize na napaka unfair ko pala. Napakadamot ko pala. Inisip ko lang kung ano yung nararamdaman ko."



"Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko!"



******

Please vote and comment po! Thankyou! :)

Hello  (boyxboy)( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon