Hello V

1.3K 61 3
                                    


Romel's P.O.V.

Ako nga pala si Romel Rodillas. 19 na ako at 3rd year college sa Southern Luzon State University (SLSU) kumukuha ng kursong BS Computer Science.

"Straight ako." yan ang parati kong sinasabi sa sarili ko.

Pero nag iba ang lahat ng may isang taong minahal ako.

Isang taong hinding hindi ko inaasahang darating sa buhay ko.

*****

"Pareng Romel! Pasensya ka na kung ngayon lang kami nakarating." maangas na sabi ng bestfriend kong si Adrian.

"Ayos lang pare. Nalilibang naman ako sa mga nagpeperform" sagot ko dito.

Andito kami ngayon sa Tayabas Park. Gabi ng Kabataan na naman kasi ngayon. At marami na namang mga taong ang hanap lamang ay paglandi.

"Pre, may tingin ng tingin sayo na mga chicks oh." nakangising sabi ni Adrian.

"Tigilan mo nga ako pre! Andito ako ngayon para magrelax lang."

"Kunwari ka pa pre, maya-maya kalampungan mo na yung isa dyan. Hahahahha!"

"Gago ka! Hindi ako tulad mo Adrian na kung kani-kanino na lamang nakikipagtalik. Hahahaha!"

"Grabe ka naman pre, pinipili ko naman kahit papano kung sino titikim dito."

"Gago!" at sabay nalang kaming nagtawanan.

Nanuod na lamang ako ng mga nagpeperform at umiinom ng beer habang si Adrian ay palinga-linga at naghahanap ng bagong mabibiktima niya.

Iinom na ulit ako ng beer ng biglang...

"Pare pare!"

"Tangina naman Adrian! Makatulak ka parang walang bukas a. Bakit ba?" inis kong sabi sa kanya.

"Si.... Si a-ano kasi. Si... an-" bigla ko syang binatukan.

"Sino ba kasi pre?"

"Si KEN!"

"Si Ken?!!" natataranta kong tanong sa kanya.

Agad naman niyang tinuro sa akin gamit ang madumi nyang daliri kung nasaan si Ken.

Nakita ko sya na naglalakad patungo sa bakanteng upuan kasama ang pinsan nyang si Lesly.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako mapakali sa aking inuupuan sa sobrang kaba at excitement na nararamdaman ko.

"Lalapitan ko ba sya? Kakausapin ko na ba? Pupuntahan ko na ba sya?" natataranta kong sabi kay Adrian.

"Pre, relax ka lang muna. Mag isip ka muna lung anong gagawin mo."

Nirelax ko muna ang aking sarili habang nag-iisip ng dapat kong gawin.

Dapat hindi sya magagalit sa gagawin ko. Ngayon lang ulit sya umuwi after 3 years kaya dapat mag-ingat ako.

Isip.....

Isip..... Isip....

Isiiiipp.....

"Pre! Alam ko na gagawin ko!!."

******

Please vote and comment po. Thankyou! :)

Hello  (boyxboy)( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon