Hello VIII

1.3K 55 1
                                    

"Happy happy happy Fiesta! Sakin ang pagkain , sayo ang paglamon! Happy happy happy Fiesta! Happy Fiesta mahal kong Tayabas!" masiglang pag awit ni Lesly.

"Couz, wala ka sa tono. Hahahah! Maghanda kana at baka dumating na iba nating mga pinsan." sambit ko sa kanya.

"Pagbigyan mo na ko couz! Minsan lang naman ako kumanta. Este tumula pala. Hahahhaha!".

Unti-unti na ngang dumating ang mga kamag-anak namin. Masarap ang kainan at usapan namin.

*****

Romel's P.O.V.

"Mahal nya pa kaya ako?"

"Sumagot ka nga dyan!!" pasigaw na sabi ko sa kisame ng kwarto ko.

Ayaw kong bumaba dahil maraming tao sa bahay. Fiesta na naman kasi ngayon. Siguro hihilata nalang ako dito maghapon.

Buti nalang at binigay sakin ng pinsan nyang si Marie ang number ni Ken.

Yayain ko kaya syang gumala? o date? Haistt! Di ko alam.

Tiningnan ko nalang ulit ang photo album namin ni Ken at bungad palang na litrato ay napangiti na ako....


Flashback....

"Pareng Romel, may papakilala ako sayong bakla. Pangtripan mo ah!" nakangising sabi ni Adrian.

"Sigeee. Wala rin naman akong syota ngayon. Para naman may mapaglibangan." sagot ko.

"Eto picture na nya pre oh!" sabay pakita sakin ng litrato. "Ken daw ang pangalan nyan. Gwapo sana sya kay lang bumigay. Send ko nalang sayo number nya."

"Straight ako!" paulit - ulit sa sinasabi ng isip ko.

Di ko kasi alam kung bakit may iba akong naramdaman ng makita ko ang picture ni Ken. Parang sinasabi ng puso ko na seryosohin ko sya.

Halos dalawang linggo na kaming nagkakatext ni Ken. Sa una ay trip trip lang. Pero nung nagtagal, nalaman ko nalang gusto ko na pala sya.

Pinilit kong namang pigilan pero hindi ko talaga kaya.

Noong una, akala ko magagalit sakin sila Mama pero mali ako. Naging masaya sila para sa amin.

Oo naging kami nga ni Ken. Simula July noong 4th year highschool kami ay naging mag-on na nga kami.

"Babe, sabihin mo sakin pag magsasawa kana sakin ha. Para liligawan kita ulit." malambing na sabi ko kay Ken.

"Dapat kasi araw-arawin mo yang panliligaw kahit tayo na. Hahahah!" sagot naman nya.

"Opo babe, araw araw kitang liligawan at papasayahin."

Kuntento na ako sa kung anong meron kami ni Ken. Masaya na ko sa tuwing magkakayakap kami at magkasama. Ang simple lang ng lahat.

"Babe, dilim ka ba?" banat ko sa kanya.

"Oh, bakit?"

"Simula kasi nung nakilala kita, wala na kong nakitang iba pa." kitang - kita ang pamumula ng kanyang mukha. Hahahhaha.

"Babe, dilim ka ba?"

Aba may pick-up line din ang Babe Ken ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Ang dilim na kasi ehh. Kelangan na nating umuwi kasi gabi na. Hahahahahha!" tawang tawang sagot nya sakin.

Tangina! Akala ko pa naman pick-up line. Assuminh na naman ang gago. Hahahahhaha!

Sumimangot nalang ako kunwari para lambingin nya ko.

"Tara na babe uwi na tayo ohh. Ang dilim na." lumapit sya sa akin.

Pero di ko parin sya pinapansin.

"Hahahhaha. Sorry na Mr.Romel Rodillas. Wala kasi akong maisip na banat eh. Hahahaha!"

"Galit sya oh." lalo pa syang lumapit sa mukha ko.

"I love you Mr. Romel!" lambing nya at di ko naiwasang mapangiti.

"Ngumiti na sya oh. Yes! Hahahahha." sabi nya at sabay halik sa labi ko.

"I love you too babe!" sabay kiss ko para makabawi naman. Hahahahah!

End of flashback.

*****

Ken's P.O.V.

*beep*

Opening sms....

"Hi. Pwede ba tayong magkita mamayang 7pm sa park? Hintayin kita dun ah. Si Romel pala to."

Teka lang....

Pano nya nakuha number ko? Haistt! Feeling ko talaga si Marie ang ang nagbigay.

Pinagpatuloy nalang namin ang aming usapan at pagkain.

7:00 pm

*beep*

Opening sms.....

"Andito na po ako sa park."

*****

Lesly's P.O.V.

Kanina ko pa napapansin na hindi mapakali si Ken. Tingin sya ng tingin sa cellphone nya. May problema ba?

"Couz, okay ka lang? Kanina ka pa kasi di mapakali dyan ehh."

"Kasi naman couz....."

"Ohmygahhhd Ken! 9pm na kaya oh. I'm sure kanina ka pa hinihintay nun." payo ko sa kanya.

"At isa pa couz, kahit ngayon man lang pagbigayan mo si Romel." dagdag ko pa.

*****

Romel's P.O.V.

Dalawang oras na kong naghihintay sa kanya. Nakakalimang beer na ko at may amats na ko.

"Tangina naman oh! Umulan pa." sigaw ko sa ulan. Mag -isa lang naman ako dito kaya okay lang.

Tinext ko ulit sya kahiy hilong-hilo na ko pero di parin sya sumasagot.

****

Ken's P.O.V

Andito ako sa van namin at kita ko si Romel na umiinom ng beer. Buti nalang at may payong akong dala.

Naglakad na ko papalit sa kanya. Halatang lasing na sya. Nagsasalita syang mag-isa at sigaw ng sigaw.

"Ba't hindi ka pa umuwi? Lasing kna oh!" sigaw ko sa kanya.

"Wala kang pakialam! Sino ka ba ha? Pwede bang umalis kna dito?!!!" galit na sabi nya pero nakatungo parin sya.

"Wag ka ng magpakatanga! Dahil hindi na darating kung sino man yang hinihintay mo!".

"Umalis kana! Hinihintay ko yung taong mahal na mahal ko. Yung taong mahal ko parin."

Nadurog ang puso ko ng marinig ko ang mga salitang iyon.

"Iniwan nalang nya ako noon. Hindi ko man lang alam kung anong nagawa kong mali!" galit na sabi nya.

"May dahilan sya kaya umalis sya noon. At baka hindi mo maintindihan kaya hindi nya sinabi sayo!! " umiiyak na ko habang sinasabi ang mga iyan.

"Kahit ano pang dahilan yan.. pag mahal mo, maiintindihan mo lahat ng dahilan nya!!" umiiyak na sya pero si parin sya tumitingin sa akin.

"Umalis kna please lang! Kung ayaw mong masaktan. Hihintayin ko si sya... hihintayin ko si Ken!."


Naglakad na ko pabalik ng van habang umiiyak. Iniwan ko nalang sya doon. Sa pangalawang pagkakataon, iniwan ko nalang ulit sya ng basta-basta.

****

Please vote and comment po. Thankyou! :)

Hello  (boyxboy)( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon