Hello VII

1.5K 63 3
                                    


Ken's P.O.V.

"Couz!! Ano ba gagawin ko? Pupunta ba ko or hindi? Huhuhuhu." naguguluhang sabi ko kay Lesly.

"Pumunta kana couz. Nakakahiya kay Tita Weng kung di ka sisipot." sagot niya.

"Pero couz a-"

"Di ba sabi mo Ken Rosales naka MOVED-ON kana?!! Ano pang iniisip mo?" medyo galit na sabi ni Lesly.

"Oo nga couz. I've moved on na nga, pero si Ti-." di pa ko tapos ay sumabat na agad siya.

"Hanggang ngayon ba couz issue parin sayo si Tito Rodger? Tapos na nga kayo ni Romel diba?! Kaya pumunta kana mamaya."

Ano nga ba pinag-uusapan namin ni Lesly.....

Flashback....

Ken's P.O.V.

Andito kami ngayon ni Lesly sa Tayabas Public Market para mamili para sa Fiesta bukas.

Napakainit pero okay lang kasi marami naman ako kakilala dito.

At ang mas masaya pa dun, ako lang naman taga bitbit ng lola Lesly nyo. Hahahahhaha. Puñeta.

"Ken?!"

"Ken?!" tawag sa akin ng isang babae.

Nilingon ko naman ito para matigil na. Pero..

"Ken! Ikaw nga!!" biglang lapit at yakap sakin ng babae. Di ako makapaniwala sa nakita ko.

"Kamusta kana Ken? Sila Nanay mo ba? Namiss kita!". ngiting sabi niya.

"Ah-ah. Tita Weng ikaw pala. Okay lang naman po ako. Kararating ko lang kahapon." ani ko.

"At narito kana rin naman, punta ka sa bahay mamaya ha. Dun kana mag dinner. Magagalit ako pag di ka pumunta."

"Pero ti-."

"Sgee na nagmamadali ako Ken. Hintayin kita mamaya ha." bigla nalang syang naglakad ng napakabilis.

Kaya naiwan akong nakatayo at nakatulala sa sinabi ni Tita.

Si Tita Weng ang mama ni Romel at si Tito Rodger naman ang papa nya.

Legal ang relasyon namin ni Romel sa mga magulang namin. Masasabing kong tanggap at masaya sila para sa amin.

End of flashback.

Romel's P.O.V.

Andito parin ako sa kama ko at iniisip parin ang kanta ni Ken kagabi. Hindi wala sa pandinig ko tinig nyang napakasarap sa tenga.

"Anak! Bumaba kna dito. Tulungan mo ko sa gawain dito." sigaw ni Mama.

"Opo ma, saglit lang."

Nagbihis na nga ako at bumaba na pero nasa isip ko parin si Ken. Parang ang baduy ko na ah. Hahahahah.

Bumungad sa akin ang Mama ko na nakangiting - nakangiti habang nag luluto.

"Anong meron Ma?" pansin ko sa kanya.

"Basta maglinis kayo dyan ng Papa mo ha. Ayusin niyo dapat wala akong makitang alikabok."

Eh di sana sya nalang naglinis. Hahahahha. Nakita ko naman si Papa na nanunuod lang sa tv.

"Asawa ko ano bang meron?" di narin nakatiis si Papa.

"May bisita tayo mamaya asawa ko. Si Ken! Kaya dapat maayos ang bahay." excited na sabi ni Mama.

"Ano?!! Si KEN?!!!!" sabay na sabi namin ni Papa.

"Oo. Dito sya maghahapunan kaya ikaw Romel wag kang maglagalag ngayong araw na to."

Hello  (boyxboy)( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon