Chapter 5

21 3 0
                                    

Hi Ex,

Abot-abot yung kaba ko nung magsimula na ang contest. Nag-aral akong mabuti pero pakiramdam ko namental block ako, dahil sobrang dami ng taong nanunuod. Sobrang nakakakaba. Naandito ang family ko at ang mga kaibigan ko na todo suporta sa akin. Naandito din ang mga guro, kaklase, schoolmates, at staff ng school na sumusuporta din sa akin. Pero, hindi kita makita. Nasaan ka? Hinahanap kita, pero wala ka talaga. Nagsimula na ang contest, kaya ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa pagsasagot. Nagdasal muna ako, na sana marami akong maisagot, na sana ako ang manalo, at na sana dumating ka at manood ng contest. Alam kong ayaw mo sa science, pero dahil nga favorite subject ko ang science, natutunan mo din ang magustuhan ang subject na yun para sa akin. Kaya, ngayon, ako naman. Alam kong gustong-gusto mo sa math dahil mahilig ka sa numbers, ayoko talaga sa math eh, pero bakit ako naandito at lumalaban para sa Math Quiz Bee? Dahil para sayo to. Kasi, mahal kita.

Hi ExTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang