Hindi ko maintindihan nung una kung bakit mo ako tinawag na Panget. Pero, nung marealize ko na at nag-sink in na sa utak ko kung bakit, naiyak ako sa tuwa. Sa wakas, napansin mo na ulit ako. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ngayong dumating na ang araw na ito, hindi ko maipaliwanag kung ano bang dapat ko maramdaman. Basta naiyak nalang ako sa sobrang naghalo-halo na ang emosyon ko. Nilapitan mo ako at hinila papunta malapit sa playground sa bahay namin. Sa lugar kung saan tayo, nagkakilala. Tiningnan kong maigi ang paligid, naalala ko lahat, kung paano tayo nagsimula. Everything flashed back in my mind. Napatingin ako sayo, gusto kong malaman kung totoo ba. Huminga ako ng malalim.
"Nakakaalala ka na?"
Ngumiti ka ng mapait, at hinawakan mo ang pisngi ko. I missed your touch.
"Oo, Jean. Naalala ko na. I'm sorry." Malungkot mong sagot and that just made me cry, hard.
Katulad ng dati, you won't say anything, you're just going to hug me, and make me feel at ease.
Ang tagal kong hinintay toh. Ang makaalala ka, ang magbalik ang dating ikaw. Grabe, sobrang saya ko lang. Sobrang saya ko na naaalala mo na lahat. Kasi, mahal kita.