Hi Ex,
Madami akong naging maling sagot sa quiz, kinakabahan kasi talaga ako eh. At hindi ako gaano ka-inspired. Nasabi ko na nga sa sarili ko na 'Wala na, talo na.' Napatingin ako sa mga taong sumusuporta sa akin, hindi ko makita yung pagkadismaya sa mukha nila. Pero, nakita ko yung encouragement, yung pag-asa na 'Kaya mo yan, magtiwala ka kay God.' Napangiti ako sakanila at pinilit kong ibuhos ang atensyon ko sa pagsasagot. Anim na problem nalang at, tapos na ang contest, i-aannounce na kung sino ang panalo. Sa oras na toh, lamang ang kalaban ko ng 3 puntos. Nahabol ko naman yung tatlong puntos at sobra pa nga ng isa, kaso tie lang kami nung kalaban. At isang problem nalang, malalaman na kung sinong panalo. Pinipilit ko mag-concentrate, tumingin ulit ako kila mama at papa, pero nagulat ako nung makita ka, kausap ang magulang ko. Napangiti ako. Kailan nga ba ang huling beses na nakausap mo sila ng personal? Matagal na din pala. Nakakatuwa lang na makita ka, kausap sila. Bigla kang tumingin sa akin at ngumiti. Nag-thumbs up ka, at dahil doon, nabuhayan ako ng loob at naging inspirado lalo.
Natapos na ang contest, at nanalo si, si, si JEANIEL! Napatalon ako sa tuwa ng manalo ako! Nakuha ko ang tamang sagot, sobrang saya ko lang. At dahil sa kanila, dahil kay God, at dahil sayo kung bakit ako nanalo. Para sayo talaga toh. Kasi, mahal kita.
