Chapter 7

19 4 0
                                    

Hi Ex,

Ibinigay na sa akin ang award ko. At ngayon, pareho na tayong Math Wizard, sobrang saya ko. Nagtatalon ako sa tuwa. Kinongratulate ko din ang nakalaban ko, at kinongratulate din ako ng staffs ng school ng nakalaban ko. Ang saya-saya ko talaga. Lumapit ako sa mga kaibigan ko, sa mga guro ko, sa mga staffs, nag-group hug kami at kinongratulate nila ako. Lumapit naman ako sa magulang ko, sa sobrang tuwa nila, naiyak si mommy at niyakap ako. Sinabi nilang sobrang proud sila sa akin, at sapat na sa akin na marinig yun mula sa kanila. Atleast, alam kong pinagmamalaki nila ako bilang anak nila. Napatingin ako sayo, nakatayo ka sa likod ng mga magulang ko, nakangiti ka habang nakatingin sa akin. Bumitaw ako sa yakap ng magulang ko at nginitian ka. Kinongratulate mo ako, pero nagulat ako sa sinabi mo.

"I'm proud of you, Panget."

Hi ExTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang