You were driving, papunta tayo sa camping site. Nagkaroon kasi ng 3 days camping ang mga 4th year college. Parang retreat lang sa HighSchool. Pero, hindi inaasahan, nawalan ng preno ang sasakyan mo, kaya nabangga tayo sa puno at tumagilid ang kotse, naipit ang braso at kamay ko habang ikaw ay nagdudugo ang ulo.
Dumating ang ambulansya, dinala tayo sa ospital. Habang ginagamot ako, ikaw ang nasa isip ko, na sana, okay ka lang. Sabi ng doctor, mahina na ang buto ko sa braso at kamay dahil nagka-fracture, hindi na ako pwedeng mag-volleyball. Okay lang sa akin, pero ang hindi okay sa akin, yung kalagayan mo.
You've been comataused for a week, and it hurts, because, you have amnesia. You can't remember anything since mag-first year ka. Hindi mo kami naaalala, hindi mo ako naaalala, at sobrang sakit nun.
"Masaya ako dahil nakaka-alala ka na." Mapait kong sabi, lalo na nung makita ko siya sa likod ni Kier.
"Ngayong naaalala mo na lahat, pati ba siya naaalala mo na?" Nakatitig lang ako sakanya, at ngumiti siya sa akin.
"Oo, naaalala ko din siya Jean. Lahat lahat." Masaya niyang sabi. That's it, I cried and smiled fakely to him.
"I'm happy for you, for both of you." I said as I turn my back from him.
"HI EX!" Sigaw ng isang pamilyar na boses sa akin. Ex? Humarap ako sakanila.
"Vivian..." I saw her, ang babaeng mahal ni Kier. Kasama ang isang lalaking pamilyar sa akin. Si Jon.
Matagal na ang relasyon namin ni Kier, at everyday mas madami siyang surprise sa akin. Pero, ako ang nasurprise nung isang beses nakipagkita siya sa akin at sinabing
"I'm inlove with someone else." And, dun nagtapos ang relasyon namin.
Sobrang sakit kasi, ang mahal niyang babae ay ang pinsan ko. Sobrang sakit, kaming dalawa ng bestfriend ko, broken hearted. Dahil ako sa break-up, siya naman dahil na-friendzoned siya ng pinasan ko.
But, kinaya namin, ang makita silang dalawa na masaya, para kaming pinagbagsakan ng langit at lupa nun pero kinaya namin. Why? Kasi, mahal namin.