1st year highschool tayo nun, nung magkakilala tayo. I was alone in this park, and I was so broken that time dahil namatay ang lola, lolo at kuya ko dahil sa Car Accident. Magkakasama kami nun na pumunta sa Tagaytay, kaso pag-uwi namin, may nakabangga sa sasakyan namin na truck. Namatay ang lolo at kuya dahil yung left side ang nasagasaan ng matindi, ang lola naman, pinrotektahan ako kaya siya ang naipit at hindi ako. Ako lang ang nakaligtas, sobrang sakit para sa akin, ang nasa isip ko noon, bakit pa ako naligtas, malulungkot lang din naman ako.
Dumating ka, you handed me a handkerchief. Ikaw ang nagpatahan sa akin, you treated me ice cream and you made me feel na there's many reason in life to be happy. Hindi porket nawala sila lola, lolo at kuya, magiging miserable na ako. I should have a life, para maipakita ko na kaya kong maging matapang at malakas para sa pamilya ko, kay mommy at daddy. Simula nun, naging magkaibigan na tayo.
Same school lang tayo ng pinpasukan kaya mas lalo pa tayong naging close. Natuto ako sa mga payo mo, at dahil sayo, nagkaroon ako ng pag-asa sa buhay. At dahil sayo, naging masaya ulit ako. 2nd year highschool tayo nung magtapat ka ng feelings mo, gusto nadin kita, alam ko. Pero, gusto kong dumaan tayo sa normal na proseso. Nagpaalam ka sa magulang ko na liligawan mo ako at pumayag sila, pati ang pamilya mo ay nagustuhan din ako. Mahigit isang taon kang nanligaw, hanggang sa sinagot nadin kita.
Everyday, we create memories. We capture our moments together. At masaya ako dahil, ikaw ang nakasama ko sa buhay simula nung iwan ako nila lolo, lola at kuya. You were a blessing to me. God gave me you, I guess.
We argue, we fight, but we make things alright after. And I'm very glad to be your girlfriend. Feels like, life is so perfect when I'm with you.
But, this tragedy happened.