Late para sa Halloween HAHAH ngayon lang kasi gumana 'yung isip ko XD
Inspired kay @ai_write at dedicated 'to sa kanya :)
Enjoy reading!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Fifth Candle
By: J. O. Arandia
Kasalukuyan kami ngayong nasa biyahe kasama ang mga magulang ko at pati na rin 'yung bunso kong kapatid na si Andrea.
Si mama at si papa ay nasa unahan ng kotse at kaming dalawa naman ng kapatid ko ang nandito sa likuran. Okay naman sana ang lahat, pero dahil sa kakaiba ang kinikilos ng kapatid ko kaya naman hindi ako masiyadong komportable.
Kung sa karaniwan na bata kapag nasa biyahe ay tahimik lang sila at nagmamanman sa paligid nila, may laruan na nilalaro at kung minsan pa nga ay natutulog. 'Yon ang alam ko, pero 'tong kapatid ko kasi---
"Malapit na tayo sa lugar? Wow! Exited na 'ko!" Narinig kong sabi nito.
Hinayaan ko na lamang siya dahil nakita kong manika ang kausap niya.
Masiyado lang siguro akong matatakutin kaya naman kung anu-ano na ang napapansin ko. Hindi ko lang kasi maiwasang hindi mapa-isip dahil ilang araw bago sumapit ang araw ng mga patay ay palagi ko na lamang naririnig si Andrea na may kausap. Hindi rin siya 'tulad ng dati na palagi akong kinukulit para lang makipaglaro sa kanya.
"Malapit na tayo!" Pag-aanunsyo ni mama sa amin kaya naman sinukbit ko na ang bag ko na may lamang apat na kandila. Si mama ang may bitbit nito pero pinasa niya sa akin habang nasa biyahe kami.
Hindi rin naman nagtagal at nakarating na rin kami sa simenteryo kung saan magtitirik kami ng kandila.
"Ma, dito na lamang kayo bumaba kasama ng mga bata. Maghahanap lang ako ng pwedeng pag-parking-an." Sabi ni papa kay mama.
"O'sige, dito ka nalang namin sa gilid hihintayin." Sagot ni mama. "Mga anak, bumaba na kayo," Baling naman sa amin ni mama.
Agad ko ng binuksan ang pinto ng kotse sa gilid ko para makalabas na. Sumunod naman si Andrea, isasara ko na sana 'yung pinto pero pinigilan ako ni Andrea, may naiwan daw kasi siya. Nagtaka naman ako sa sinabi niyang may 'naiwan' eh bitbit naman niya 'yung manika niya.
"Dito lang kayo sa tabi ko." Pukaw atensyon na sabi ni mama.
Sumunod na naman ako at kinapitan ko 'yung kapatid ko para hindi mawala dahil madami ang tao sa paligid.
Mga ilang minuto ang lumipas at natanaw ko na si papa.
"Halina kayo." Aya niya saka na kami sumunod sa kanila. Nakakapit ako kay papa habang si Andrea naman ay kay mama. Nauuna sila kaysa sa amin kaya naman nakikita ko ang bawat galaw nila.
Habang papasok kami sa loob ay siya namang pagsikip nang pagsikip ng daraanan namin. Nararamdaman ko na ang mainit na kapaligiran at nahihirapan akong huminga sa dami ng tao.
"Pa," malumanay kong tawag sa papa ko.
"Bakit 'yon?"
"H-hindi po ako makahinga."
"Ma!" Tawag ni papa kay mama.
"Bakit? O, ate may problema ba?"
" 'Wag nalang tayo makipagsiksikan sa loob. Kawawa 'yung mga bata sa may simbahan na lamang tayo magtirik ng kandila." Suhestiyon ni papa.
Binalingan ako ng tingin ni mama "O'sige, masiyado na ngang masikip at sari-sari na ang amoy dito, kaya mo pa ba ate?" Tanong nito sa akin. Tumango nalang ako.
Habang naglalakad kami palabas ay doon ko lamang nilibot ng tingin ang paligid. Hindi pa rin talaga matigil ang mga tao sa pagdalaw sa sementeryo, ganito lagi ang sitwasyon sa tuwing darating ang araw ng mga patay. Bigla na lang akong napangiti, sana mapagtanto natin na habang nandito pa sa mundo ang mga mahal natin sa buhay ay dapat ipakita natin na mahalaga sila, iparamdam sa kanila na mahal natin sila dahil hindi na naman natin alam kung kailan ba sila kukunin ng maykapal.
Umayos na ako ng paglalakad para masabayan si papa. Pagtingin ko harap ay napansin kong may batang katabi si Andrea, naramdaman ko ang paglamig ng paligid at ang pagtayo ng balahibo ko.
"Okay ka lang ate?" Gulat akong napalingon kay papa. Nang balingan ko ulit ng tingin si Andrea ay wala na 'yung bata, baka guni-guni ko lang siguro.
"Okay lang po, bilisan na natin papa."
"Sigurado ka? Parang ang lamig kasi ng kamay mo."
"Okay lang po ako," pilit kong sagot. Tumango nalang si papa.
Hindi naman nagtagal ang paglalakad namin dahil malapit lang naman ang simbahan. Sa may bandang gilid kami ng simbahan pimunta kung saan pwede kang magtirik ng kandila. Marami rin palang tao dito.
Nilabas ko na ang apat na kandila saka 'yon sinindihan ni papa. Doon biglang nagsalita si Andrea.
"Ate, bakit apat lang ang kandila?" Tanong niya sa akin.
Nagtaka ako do'n dahil sa tuwing araw kasi ng mga patay ay apat na kandila lang naman ang lagi naming sinisindihan. Isa para sa lolo namin, pangalawa para kay lola, pangatlo para sa tito namin, at pang-apat para sa kapatdi namin.
"Bakit Andrea, may iba pa ba?" Tanong ko.
"Oo ate, 'yung kaibigan ko. Kailangan niyang tirikan din ng kandila para naman makita niya ang daan papunta sa pupuntahan niya." Nagulat ako sa sinabi ng kapatid ko. Sinong 'niya'? Bigla ko na namang naramdaman ang panlalamig.
"Mama, papa, pwede po bang bumili ako ng isa pang kandila?" Baling naman niya kala mama.
"O'sige" Sagot ni mama.
Abala kasi sila sa pagpapatayo ng mga kandilang nauna ng masindihan kaya naman hindi nila napansin ang pag-uusap naming magkapatid.
Umalis naman kaagad si Andrea at ng pabalik na 'to ay nakita kong may kausap siya na kung titingnan ay katabi lamang niya ang kinakausap. Nang makalapit na ay siya na ang kusang nag-sindi ng kandila tsaka 'yon nilagay sa bakanteng espasyo kung saan nagtirik sila mama.
"Sana ang kandilang 'to ang maging sasakyan mo papunta sa gusto mong marating. Ma-mimiss kita ng sobra." Nakangiti ngunit may bahid ng kalungkutan ang mga mata nito.
Doon lamang napansin ng mga magulang nila ang kilos ng kanyang kapatid. Matapos nitong magsalita ay nakita nilang napatingin ang bata sa langit at doon ay kumaway-kaway na para bang nagpapaalam sa isang kaluluwa.
Nagkatinginan ang mama't papa niya saka sabay na napatingin sa kanya. Napangiwi tuloy siya saka nagkibit-balikat na para bang sinasabi niyang 'wala akong alam diyan'.
Wakas
------------------
Trying hard ako XD 'wag mong basahin kung hindi mo gusto, hindi kita pinipilit.
Vote | Comment | Share :)
©JO_Arandia
BINABASA MO ANG
Compilation of Short Stories
SpiritualIba't-ibang kwento ng buhay. Mga karanasan ng kwentong pag-ibig, buhay ay inyong mababasa sa bawat pahina ng librong 'to. "Compilation of Short Stories" is now available (sa account ko lang po hane?) ------ ©Copyright 2015 by Yhanna_Princess All Rig...