#2. El Di Ar

147 15 7
                                    

El Di Ar


Gaano ka nga ba tatagal sa relasyon kung ang namamagitan naman sa inyo ay milya-milya ang layo.


Kailangan mo pang tumawid ng dagat, umakyat sa bundok---- Teka, oey na ata 'yon ah. Basta lahat, mahirap. Bawat galaw ng bawat isa--- hindi nakikita. El di ar nga 'di ba?


Eh sa amin kaya ni Niko, paano kaya namin 'yon malalagpasan?

---------------


Isang araw na naman ang lumipas, walang pagbabago--- meron pala. Puro nalang test paper ang hawak ng kamay ko, hindi kasi pwedeng gumamit ng cell phone sa oras ng klase kaya tiis ganda lang muna ako.


"Lyza!" Napalingon ako sa kung saan ko narinig ang pagtawag sa pangalan ko.


"Oh? Jas, bakit 'yon?" Tanong ko sa kanya ng makalapit siya sa'kin.


"Wala naman. Ano nga palang ginagawa mo dito sa English club?" Minsan talaga ang mga pinoy, kahit na nakikita na nila kung anong ginagaw mo, tatanungin parin talaga eh.


"Best, siguro naman malinaw pa 'yang mata mo, hindi ka pa naman siguro bulag 'di ba?" Tinawanan lang niya 'ko.


"Ikaw naman. Ang init agad ng ulo mo, eh kanino ba 'yang mga test paper na'yan at bakit mo chinecheckan?"


"Kay ma'am Prestado 'to, wala daw kasi siyang time kaya naman sa'kin niya pinaki-usap. Makakatanggi ba naman ako? Adviser ko kaya 'yon." Nakabusangot kong sabi. Nagpatango-tango lang naman siya matapos kong magpaliwanag.


"Nga pala, kamusta na kayo ni Niko?" Eh? Biglang in-open up daw ba 'yung lovelife ko?


"Ayon! Medyo wala lang time. Pero okey naman kami. Bakit mo natanong?"


"Wala naman, natanong ko lang. Dati kasi tuwing gabi lagi kang online sa FB, pero nitong mga nakaraang araw--- wala na." Tama! Dati lagi nga akong online, pero kasi iba na ngayon. Third year college na'ko, kailangan na nating mag pokus sa pag-aaral ng may kinabukasan noh!


"Busy kasi best." Maiksi kong sagot habang inaayos na ang mga test paper na kakatapos ko lamang chekan. Hindi na naman umimik si Jasmine shor for Jas.


"Natahimik ka ata?" biglang tanong ko.


"Wala naman, may naiisip lang ako Ly." Napansin niya ang lungkot sa boses nito.


"Jas, may hindi ka ba sinasabi sa'kin?" Dahil sa tanong niya, bigla na lamang napa-iyak si Jasmine sa kanya.


"Ly wala na kami. W-wala na kami ni Joseph, hindi daw niya kaya ang relasyon namin, hindi daw niya kaya ang malayong distansya sa pagitan naming dalawa." Sunod-sunod ang sabi niya, ramdam ko 'yung sakit sa bawat salitang binibigkas niya. Si Joseph, 'yung boyfriend ni Jasmine at sa pagkaka-alam ko ay mag wa-one year na sila ngayong taon.


"Sshhh, okey lang 'yan. Magiging maayos din ang lahat." Pang-aalo niya sa kaibigan.


Nang mapatahan niya si Jasmine, umalis narin naman 'to kaagad, may tatapusin pa siyang isang bandel ng test paper. Napansin niya ang pag vibrate ng cell phone niya sa bulsa at ng tignan niya 'to, 21 miss calls ang ando'n at may 14 messages. Agad niyang binuksan ang mga text at gano'n na lamang ang panglulumo niya dahil iisa lang naman lahat ng sinasabi sa text.


"Lyzza mag online ka mamayang gabi"


Galing lahat ng call at text kay Niko, ni wala man lang siyang naramdaman na pagsuyo sa text nito. Napa-iling na lamang siya saka muling binalik sa kanyang bulsa ang cell phone.


Hindi niya na pinansin ang mga sumunod pang pag vibrate ng phone niya. Naiinis kasi siya, ni hindi man lamang nito magawng itanong kung anong kalagayan niya. Pero sigurado siya mamaya mawawala din 'yang inis niya, mapapalitan di'n 'yong ng kilig dahil lalambigin siya ni Niko--- hindi sa personal, kundi sa gamit ang teknolohiya.


Mabilis naman niyang natapos ang lahat ng Gawain niya pagkatapos no'n ay umuwi na siya.


Hindi pa man siya nagbibihis ng pang bahay, agad na siyang pumwesto sa harap ng computer na nasa kwarto niya, inayos niya ang camera, chineck din niya ang speaker dahil alam niyang tatawag sa kanya si Niko, mag-uusap sila gamit ang 'skype'. Hinubad na niya ang sapatos saka sumalampak sa kama, nag open siya ng facebook at nakita niyang may message at maraming notification. 'yung message ang una niyang binuksan. Malawak na ngiti ang bumakas sa muka niya ng ang pangalan ni Niko ang nakita niya.


Binasa niya ang mahabang mensahe na nakasulat do'n


Lyza, una sa lahat. Nagpapasalamat ako dahil may nakilala akong katulad mo, mabait kang taon, mapagmahal at maalahanin. Napaka tanga ko dahil gagawin ko 'to sa'yo, pero Ly, hindi sapat na mahal lang natin ang isa't-isa, hindi sapat ang ganito sa relasyon natin. Lalaki ako Ly, may mga bagay na maari kong magawa. Ayokong humantong tayo sa gano'n.

Para sa'kin, kung tayo talaga, magkikita at magkikita tayo sa hinaharap. Sana maintindihan mo 'yung desisyon ko. Let's break up Ly, I love you. Good bye.


-Niko


Doon biglang nagunahan sa paglabas ang tubig sa mga mata ko, t-totoo ba 'tong nababasa ko?

Ito na ba ang ending?


Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon