#10. Loving You In Silence

66 1 0
                                    

"Loving You In Silence"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Loving You In Silence"

by: Yhanna_Princess



I choose to love you in silence for in silence I find no rejection.

I choose to love you in loneliness for in loneliness no once owns you but me.

I choose to adore you from a distance for distance will shield me from pain.

Pabuntong hininga kong inilipag ang hawak kong ball pen matapos kong isulat ang tatlong linya ng mga salitang ikinabit ko sa pangalan mo, Zeke.

Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit tila ba binigla ako ng tadhana sa biglaan mo ring pagpasok sa buhay ko. Akalain ko bang sa isang araw na darating ay bigla mo nalang akong kausapin at pansinin. Sino ba ako? Ako lang naman 'yung babaeng hindi pansinin sa Unibersidad na pinapasukan nating dalawa. Pareho nga tayo ng kursong inaaral pero magkaiba naman ang mundong nakagisnan nating dalawa. Ikaw, na napapalibutan ng mga may kayang pamilya samantalang ako... alam mo na.

"Uy! Sabi ko na nga ba't dito kita sa Library makikita eh,"

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa biglaang pagsulpot mo. Pinagkatitigan pa kita kasi baka nag-iilusyon lang ako.

"Huy! Ba't ka tulala diyan?" Kunot noo mong tanong.

Do'n ko lang napagtanto na totoo ka nga. Nandiyan ka nga sa harapan ko at kinakausap ako. Ewan ko ba, parang kakaiba parin sa akin ang dating ng paglapit mo. Siguro gano'n nga talaga kita ka mahal na simpleng salita mo lang, malaki na ang impact sa pagkatao ko. Pero siyempre, hindi naman ako 'yung tipo ng babae na ipapahalata sa 'yo ang lihim kong pagtingin--- kaya nga lihim eh, sikreto.

"Ba't ka ba nandito? Ano bang kailangan mo?" Pagtataray ko sa 'yo.

Tinawanan mo lang ako at inagaw mo sa akin ang notebook na hawak ko. Nanlaki ang mga mata ko ng gawin mo 'yon, shems! Andiyan 'yung sinulat ko!

"Ang sungit mo, hindi ba pwedeng pansinin ka?"

'Yon na nga eh, sa dinami-rami ng pwede mong pansinin, bakit ako pa? Pero hindi ko na 'yon tinanong sa 'yo, dahil sa totoo lang masaya ako na nilapitan mo ako. Na ang isang katulad mo ay bibigyan ng importansiya ang 'tulad ko.


Lumipas ang mga araw, mga araw na wala kang humpay sa pagkulit sa akin. Ano bang gusto mo? Hindi kita maintindihan, ang sweet mo kasi. 'Yung mga bagay na ginagawa ng isang manliligaw, ginagawa mo. Sa Lunch break, ako ang kasabay mong kumain imbes na ang mga kaibigan mo. Maging sila gusto kong tanungin kung ano bang nakain mo at biglaan ata ang paglapit mo sa akin? Minsan, naisip ko na trip mo ako--- pero hindi kita pinag-isipan ng masama dahil may tiwala ako.

Gaya ng sinabi ko, hindi ako pansinin sa Unibersidad na pinapasukan nating dalawa at nabago 'yon simula ng samahan mo ako sa pang-araw-araw na buhay ko bilang estudyante sa naturang eskwelahan. 'Yung mga ibang estudyante na hindi ko naman nakaka-usap dati, ngayon sila na mismo ang kumakausap sa akin. At sino ba naman ako para hindi sila pansinin? Pero gaya ng may namamansin sa akin, siyempre meron din namang steady lang sa kung anong trato nila sa akin. Okay lang naman, tanggap ko naman ang gano'n. Okay na eh, okay na ang lahat. Masaya na ako na nakakasama ka, na naisip kong baka naman--- baka naman pwedeng mahalin parin kita sa lihim na paraan, 'yung tulad parin ng dati. 'Yung kapag nasa library tayo, palihim kitang sinusulyapan lalo na kapag nakatutok ka sa pagbabasa. 'Yung kapag nasa Gym tayo sa tuwing PE time, natititigan kita kapag may mga ginagawa tayong activity kasi busy ka sa ibang bagay.

Ang saya! Sobrang saya! Hindi ko akalain na ang college life ko ay lalagyan mo ng kulay. Alam kong napakasimple lang naman ng ginawa mo, at 'yun ang kausapin ako at ituring akong kaibigan. Pero alam mo ba, uulit-ulitin ko 'to sa 'yo, alam mo bang mahalagang bagay na 'yon sa akin. Na 'yung taong lihim kong pinapantasya, biglang eeksena sa buhay ko. At do'n muling sisingit sa isip ko ang mga katanungan ko;

Bakit mo ako kinakausap?

Bakit mo nilapitan ang isang kagaya ko?

May balak ka bang ligawan ako?

May gusto ka rin ba sa akin? Pero Malabo eh,

O baka naman gusto mo akong maging kaibigan mo? Ouch! Naman.

Pero alam mo ba, lahat ng tanong ko na 'yan ay nasagot ng minsang hanapin kita. Oo, hinanap kita. Nasany na kasi akong laging nasa tabi mo kaya naman one time na lunch break, hindi kita makita sa mga lugar na pinupuntahan natin sa School kaya naman naisip kong itanong ka sa isa nating kaklase kung nasaan ka. May isang nagsabing nasa Gym ka daw kasama ng mga kaibigan mo. Napangiti naman ako at na-excite sa narinig ko.

Mabilis akong pumunta sa Gym para puntahan ka, tatanungin kita kung sasabay ka sa akin o sa mga kaibigan mo ikaw sasabay. Wala naman sigurong masama 'diba? Siguro naman, kaibigan mo na ako. At dahil kaibigan mo ako, may karapatan naman siguro akong magtanong. Natatanaw ko na kayong magbabarkada, mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo dahil tahimik lang kayong nag-uusap. Nag-alangan tuloy ako kung lalapit pa ba ako, nakaramdam kasi ako ng hiya. Hiya at kaba para sa mga kaibigan mo. Napabuntong hininga ako saka ko nilakasan ang loob ko para mas lumapit pa sa inyo.

"Tapos na 'yung usapan Zeke, bakit hindi mo parin nilulubayan si Janna?"

Mabilis kong napigil ang paghakbang ko ng marinig ko ang pangalan ko. Tinignan ko pa kayong magkakaibigan.

"Oo nga pre, baka naman mag-assume sa 'yo 'yung tao at baka ipagkalat na nanliligaw ka sa kanya."

"Ibang klase! Akala ko dati, pipe 'yon eh, hindi kasi siya nagsasalita at para bang walang dating ang grupo natin sa kanya. Pero dahil kay pareng Zeke, at least alam na nating walang nakaka resist sa atin." Natatawang sabi ni Kevin.

Sunod-sunod ang pag-iling ko kasi baka naman guni-guni ko lang ang kung anong narinig ko, naramdaman ko pa ang panglalabo ng paningin ko dahil sa luhang nagbabadya sa mata ko. Ano itong narinig kong usapan niyo? Totoo ba talagang nangyari 'to? Pinag-usapan niyo 'to? Pinagplanuhan? Para saan? Bakit? Anong ginawa ko sa inyo? Sunod-sunod kong tanong sa aking isipan. Saka ko lang na-realize. Ah, oo nga pala, isa si Kevin sa minsan ko ng tinarayan noon dahil sa kahanginan ng ugali. Pero ang babaw naman ng dahilan na gagantihan niyo ako sa ganitong paraan, feelings ko ang naapektuhan.


Naalala ko pa 'yung reaksyon mo ng makita mo akong nakikinig sa pinag-uusapan niyo. Hindi ko alam kung nagulat ka ba, o naawa? At dahil gusto kong isalba ang pride ko, mabilis ko kayong tinalikuran saka ako mabilis na tumakbo palayo sa lugar na 'yon. Pagtalikod na may kasamang pagpunas ng mga luhang tuluyan ng naglandasan ng magtama ang paningin nating dalawa. Mga luhang nagsasabi kung gaano kasakit ang mga bagay na narinig ko. At sana sa pagtalikod ko, gano'n lang din kadaling mawawala ang iniwan mong sugat sa puso ko.


Maraming araw na ang lumipas simula ng malaman ko ang kalokohan niyong magbabarkada, gano'n narin kadaming beses mo akong tinangkang kausapin pero mas pinili kong iwasan ka. Alam kong gusto mong magpaliwanag, pero mas alam ko na mas tatahimik ang buhay ko kung lalayo na ako ng tuluyan. Tama na na siguro ang minsang binigyan mo ako ng atensyon--- kahit pa't pagpapanggap lamang 'yon.

Hindi ako galit sa 'yo, galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong ma-attach sa 'yo. Siguro babalik nalang ulit ako sa dating ako; 'yung ako habang wala ka pa sa mundo ko, 'yung ako na mahalin ka lang sa malayo at lihim na paraan ay maligaya na. Dahil sa paraan na 'yon ko lang mas tanggap ang sakit.  Sakit ng katotohann na kahit na kailan man, hindi ako 'yung babaeng mamahalin mo. Dahil ako lang ito.


- WAKAS -


------------------------------------------

Vote | Comment | Share ☺

©Yhanna_Princess

Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon