#12. First Love

36 1 0
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


#12.First Love

Ni: Yhanna_Princess


Malalaki ang hakbang ko papunta sa next subject kong Literature nalaman ko kasing mag ge-graded recitation ang Prof namin do'n kaya naman ganito ako. Mabilis akong umupo ng marating ko ang room at napansin kong lahat ng mga kaklase ko ay nakatutok sa notebook na hawak nila. Napailing tuloy ako. Ako lang ba ang hindi nagbabasa?

"Beh nakapag review kana?" Tanong sa akin ng katabi ko.

"Hindi pa ngayon ko nga lang nalaman na may ganyan palang pakulo si ma'am." Sabay kibit-balikat ko sa kanya. Napailing pa ako ng muli niyang tinuon ang atensyon niya sa pagbabasa. Mga kaklase ko nga naman.

Hindi rin naman nagtagal at dumating si ma'am sabay sabing; Share your memorable experience daw ang gagawin naming recitation. Napakunot-noo naman ako. Si ma'am talaga kung anu-ano ang pinapagawa sa amin.

Kanya-kanyang bulungan, reklamo at reaksyon ang narinig ko sa mga kaklase ko pero sa bundong huli, si ma'am parin naman ang nasunod. Okay, magsasalita sa unahan at do'n sasabihin kung ano ang memorable experience. Madali lang naman. Kung tutuusin mas okay nga 'to kaysa ang related sa School ang Topic aminin! Hahaha


Isa-isa ng nagtatawag si ma'am at kanya-kanya ring experiences ng mga kaklase ko ang naririnig ko. 'Yung iba tungkol sa mga pinuntahan nilang lugar, mga sitwasyon na nakaka-stress daw, related sa family, friends, at siyempre ang lovelife. Hindi na mawala-wala 'yon. Habang tumagatal nawawalan ako ng idea sa kung ano ang ishe-share ko sa mga kaklase ko. Ano bang maganda? Hmmm. Haaay! Ayaw gumana ng isip ko. Pinanlamigan na ako ng kamay ng nasa letter L na ng apelyido ang tinatawag ni ma'am. Alphabetical kasi ang pagtawg niya at nagsisimula sa letter O ang sa akin. Juice ko! Okay naman ang pakiramdam ko kanina pero bakit ngayon parang pakiramdam ko naiipit ako. Nasabi ko pa nga kanina na madali lang ito kaysa sa related na topic sa School. Syet!

N na. Ano ba. Ano bang ishe-share ko...

"Orquilla"

"Ma'am!?" Gulat na sabi ko.

"Galit ka?" Natatawang tanong sa akin ni ma'am.

Napakamot ako sa pisingi ko. Malakas pala ang pagkakasabi ko. Kasi naman eh! Kinakabahan ako.

"Beh, ikaw na daw. Mag share ka na daw ng memorable experience mo." Baling sa akin ni Jemma.

Kagat labi akong tumayo saka pumunta sa harapan. Nasa may bandang gilid lang naman si ma'am, hindi malapit pero hindi rin naman malayo sa puwesto ko.

"Ma'am wala akong maisip." Alanganing sabi ko.

"Kahit ano lang, ano 'yon wala ka pang memorable experience?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Compilation of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon