"Si Kras"
Ni: Yhanna_Princess
Nakayuko akong lumabas sa room saktong mag-bell. Kanina pa masama ang pakiramdam ko dahil sa pagkapuyat ko. Masakit din ang ulo ko at mas lalo pa itong sumakit ng malaman kong na-corrupt ang files ng grupo namin. Ano ba namang kamalasan ang sinalubong sa akin ng umagang ito.
"Jenica, aalis ka na?" Tanong sa akin ng kaklase ko.
Tumango lang ako, wala talagang kabuhay-buhay ang umagang ito. Wala na naman akong klase kaya uuwi nalang ako para makabawi ng tulog.
Ilang minuto na rin akong nakatayo sa tapat ng school kakaabang ng masasakyan papunta sa sakayan pero hanggang ngayon walang humihinto para pasakayin ako.
May mga dumadaan nga, pero may mga sakay naman. Ano 'to? Pati ba naman sa pagsakay mamalasin ako? Napairap nalang ako ng wala sa oras.
Mga ilang minuto pa ang lumipas bago ako sumuko. Sayang ang oras ko kakatayo dito kung kanina pa sana ako naglakad baka nasa sakayan na ako ngayon.
Napatingin ako sa entrance ng school, nakatingin pala sa akin si Manong Guard at ang isang intern. Tsk! Kakahiya. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanila at saka na ako nagsimulang maglakad. Ang adik ko talaga.
Bugnot na bugnot ako habang naglalakad. Kaasar naman kasi! Padabog kong binuksan ang bag ko saka ko kinuha ang cellphone at earphone ko. Tama! Mag sound-trip nalang ako habang naglalakad para mawala ang pagka bad-mood ko. Nakakapangit pa naman 'yon. Natawa nalang tuloy ako sa sarili ko. Umiiral na naman kasi ang kabaliwaan ko.
Ang ganda na ng pag i-emote ko habang naglalakad ng may matanaw akong lalaking nakasandal sa may tulay sa kabilang side ng kalsada. Mukhang nakatingin sa akin. Pasimple akong lumingon sa likuran ko, wala namang ibang tao kaya ngayon sigurado akong sa akin ito nakatingin. Nagpatay malisiya lang naman ako. Pero habang tumatagal hindi na ako nagiging komportable sa paligid ko.
Naalala ko bigla 'yung sinabi sa akin ng kaklase ko. Uso daw ang mga tambay na bigla nalang nanghahablot ng gamit. Tapos mayro'n pang lalaslasin 'yung bag para dukutan, kaya kapag naglalakad kami na magkakasama papuntang sakayan ay nasa harapan namin ang bag. Napalunok ako. Mag-isa lang ako ngayon at wala masiyadong tao dahil umaga palang. Mangilan-ngilan lang din ang dumadaang tricycle. Juice ko!
Mas lalo akong kinabahan ng mapansin kong tumawid ang lalaki sa kinaroroonan ko at sinasabayan akong maglakad mula sa likuran ko. Hindi naman siya malapit pero sapat na para marinig ko ang tunog ng sapin niya sa paa. Lord! Maawa po kayo sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Grabe! Ba't ba nangyayari 'to sa akin ngayon? Bakit ngayon pang mag-isa lang ako? Sabagay, saka lang naman gumagawa ng masama ang isang tao kapag alam niyang walang magiging testigo pero ano ba! Ano bang pinag-iisip ko! Nakakainis!
BINABASA MO ANG
Compilation of Short Stories
SpiritualIba't-ibang kwento ng buhay. Mga karanasan ng kwentong pag-ibig, buhay ay inyong mababasa sa bawat pahina ng librong 'to. "Compilation of Short Stories" is now available (sa account ko lang po hane?) ------ ©Copyright 2015 by Yhanna_Princess All Rig...