#6 Relationsh!p
You are the Sunshine of My Life [Female Acoustice Cover]
Kapag nagmahal ka, ang sarap sa pakiramdam. 'Yon bang pagkagising mo... sandaling mangangapa ang kamay mo sa gilid ng kama mo--- Tapos mapapangiti ka nalang kapag nahawakan mo na ito--- 'yung Cell phone mo. 'Yung Cellphone mo na kahit umagang-umaga palang pinapakilig kana. Ay hindi pala 'yung Cellphone mo, kun 'di 'yung taong nag padala ng mensahe para sa'yo.
Ikaw naman itong nakangiti, siyempre habang nagbabasa;
Good morning Prinsesa ko!
Maaga ako ngayon, malamang na tulog ka pa. Pagkagising mo kumain ka okay?
Mahal ka ng Prinsipe mo <3
Ay! Shocks! Sunshine talaga ang umaga mo pag gano'n.
At gano'n lagi ang umaga ni Mikee sa tuwing gigising siya. Ang kapain ang Cellphone niya para mabasa ang text message ng boyfriend niya.
Masaya siya? Oo. Hindi lang siya kun 'di pati narin ng boyfriend niya.
Paano ba nagsisimula ang Relasyon?
Siyempre sa panliligaw ng lalaki kay babae. At itong si babae, bibigyan ng pagkakataon ang lalaki para ipakilala nito ang sarili sa kanya. Gano'n naman ang lahat eh. Getting to know each other muna.
Pero kay Mikee, hindi naman ang panliligaw ang pinapatagal, kun 'di ang relasyon--- R-E-L-A-S-Y-O-N. Doon niyo kasi mas makikilala ang bawat isa kapag mag-on na kayo. Depensa niya kaya ayon, naging sila ni Jefferson nang walang kahirap-hirap.
Okay naman ang relasyon nila. Magaan, nakakakilig, smooth lang, jilax lang. Sagana sa text, sagana sa meet-up. Gastos dito, at gastos doon.
In short, Masaya.
Pero hindi lahat ng nakasanayan... ay palagi na lamang gano'n.
Dumating sa punto na halos isang araw na walang paramdam si Jefferson kay Mikee. Doon narin nagsimula ang pagtatampo ni Mikee na agad namang sinusuyo ni Jefferson.
Pareho silang College, pareho silang may kanya-kanyang kurso na kailangang i-survive. Siya ay Fashion Designer at si Jefferson naman ay IT Student. At 'yon ang hindi maintindihan ni Mikee. Bakit siya nagagawa niyang magbigay ng kahit na limang minuto maka-usap lang niya si Jefferson. Bakit hindi nito 'yon magawa? Although... Kapag kausap niya 'to ay malambing ito. Iba parin talaga kasi ang isang araw na hindi nagparamdam sa'yo 'yung taong mahal mo. Lalo na't alam mong hindi naman ito multo.
Ano ng mangyayari?
Maagang pumasok si Mikee. Mugto ang mga mata at halatang kulang pa ito sa tulog.
Hindi siya gaanong nakatulog dahil iniisip niya ang relasyon nila ni Jefferson. Naiinis siya sa binata dahil kung umasta ito ay para itong walang nobya. Kahit man lang isang text sana... kaso wala eh.
"Mikee may sagot ka na ba sa Trigo?" Tanong ng isa niyang kaklase na sadyang hinarang siya para lamang maitanong nito 'yon sa kanya.
"Wala ako sa mood." Matamlay niyang sagot saka hinawi ang kaklase para makatuloy na siya sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Compilation of Short Stories
SpiritualIba't-ibang kwento ng buhay. Mga karanasan ng kwentong pag-ibig, buhay ay inyong mababasa sa bawat pahina ng librong 'to. "Compilation of Short Stories" is now available (sa account ko lang po hane?) ------ ©Copyright 2015 by Yhanna_Princess All Rig...